iBet uBet web content aggregator. Adding the entire web to your favor.
iBet uBet web content aggregator. Adding the entire web to your favor.



Link to original content: https://tl.wikipedia.org/wiki/Winona_Ryder
Winona Ryder - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Winona Ryder

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya


Winona Ryder
Ryder in 2010

Si Winona Laura Horowitz [1] ay ipinanganak noong Oktubre 29, 1971. [1] Sya ay na kilala bilang propesyonal sa pangalang Winona Ryder, ay isang Amerikanong artista. Sya ay orihinal na gumaganap sa mga kakaibang papel, sumikat siya para sa kanyang mas magkakaibang pagganap sa iba't ibang genre noong 1990s. Nakatanggap siya ng maraming parangal, kabilang ang isang Golden Globe Award, bilang karagdagan sa mga nominasyon para sa isang Grammy Award, isang BAFTA Award, at dalawang Academy Awards.

Matapos ang unang pelikula ni Ryder na Lucas noong 1986, naka-agaw sya ng pansin sa kanyang pagganap sa Beetlejuice ni Tim Burton noong 1988. Sumikat siya sa mga pangunahing pagganap sa Heathers noong 1989, Mermaids noong 1990, Edward Scissorhands noong 1990, at Bram Stoker's Dracula noong 1992. Nakamit niya ang kritikal na pagbubunyi at dalawang magkasunod na nominasyon ng Academy Award para sa kanyang mga pagganap bilang isang mayaman na si May Welland sa The Age of Innocence noong 1993 ni Martin Scorsese at Jo March sa Little Women noong 1994. Nanalo siya ng Golden Globe para sa The Age of Innocence. Ang iba pa niyang mga pelikula sa panahong ito ay ang Reality Bites noong 1994, How to Make an American Quilt noong 1995, The Crucible noong 1996, Alien Resurrection noong 1997, Celebrity noong 1998, at Girl, Interrupted noong 1999, na kanyang ginawa, sya din ang prodyuser nito.

Noong 2002, nagbida si Ryder sa box office hit na Mr. Deeds, na umani ng maraming puna mula sa publiko. pagkatapos nito ay tumamlay ang kanyang karera at nagpahinga muna siya sa paggawa ng mga pelikula. Noong 2009, bumalik siya sa prestihiyosong pelikula na Star Trek. Noong 2010, nag-bida siya sa pelikula sa telebisyon na When Love Is Not Enough: The Lois Wilson Story at nagkaroon ng papel bilang suportang aktres sa Black Swan. Nakipagtambalan rin siya kay Burton para sa Frankenweenie noong 2012. Mula noong 2016, nagbida siya bilang Joyce Byers sa Netflix ,iang nakakatakot na siyentipikong piksyon at serye na Stranger Things, kung saan nakatanggap siya ng nominasyon sa Golden Globe, at noong 2020, nagbida siya sa HBO sa mini-seryeng drama na The Plot Against America.

Ang relasyon ni Ryder kay Johnny Depp mula 1989 hanggang 1993 at pag-aresto noong 2001 dahil sa shoplifting ay parehong naging target ng mga mamahayag sa tabloid . Noong 2000, nagkaroon si Ryder ng bituin sa Hollywood Walk of Fame. [2]

  1. 1.0 1.1 "Winona Ryder Biography (1971–)". Biography.com. Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 4, 2020. Nakuha noong Hunyo 23, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Kim, Ellen A. (Oktubre 6, 2000). "Winona Ryder Gets Her Own Star". Hollywood.com. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 4, 2012. Nakuha noong Mayo 5, 2007.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)