iBet uBet web content aggregator. Adding the entire web to your favor.
iBet uBet web content aggregator. Adding the entire web to your favor.



Link to original content: https://tl.wikipedia.org/wiki/William_Tell
William Tell - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

William Tell

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si William Tell na may hawak na baril na pana at isang palaso.

Si William Tell (na sa apat na mga wika ng Switzerland ay kilala rin bilang: Aleman: Wilhelm Tell; Pranses: Guillaume Tell; Italyano: Guglielmo Tell; Romansh: Guglielm Tell; at nakikilala sa Kastila bilang Guillermo Tell) ay isang bayani sa kuwentong bayan ng Switzerland. Ang kaniyang alamat ay nakatala sa isang salaysay na Suwiso na naisulat noong ika-15 daantaon.

Ang tagpuan ay noong kapanahunan ng orihinal na pundasyon ng Lumang Konpederasyong Suwiso noong kaagahan ng ika-14 na daantaon. Ayon sa alamat, si Tell - na isang dalubhasa sa pagpapana - ang pumaslang sa isang maniniil na nagngangalang Albrecht Gessler, isang Vogt o punong hukom ng Habsburg, Austria na nakatalaga sa Altdorf, Uri.

Kasama si Arnold Winkelried, si Tell ay isang pangunahing pigura sa patriyotismong Suwiso dahil sa ang pagkamakabayang ito ay inilunsad noong panahon ng Restorasyon o panunumbalik ng Konpederasya pagkaraan ng kapanahunang Napoleoniko.

Ayon sa kuwentong bayan, si William Tell ay isang lalaking magaling sa pamamana (ginagamit niya ang isang baril na pana) na tumangging yumukod sa isang sumbrerong nasuklob sa isang haligi na itinalaga ng isang hukbong Austriano na sumakop sa pook na pinaninirahan niya. Hinuli si Tell at pinilit na panain ang isang mansanas na ipinatong sa ulo ng kaniyang anak na lalaki. Kung hindi niya ito gagawin, papatayin siya at ang kaniyang anak. Pinana ni Tell ang mansanas na nakapatong sa ulo ng kaniyang anak na hindi nasaktan ang kaniyang anak. Dalawa ang nakahandang palaso ni Tell: isa para sa mansanas na nakapatong sa ulo ng anak niya, habang ang isa ay para kay Albrecht Gessler. Itinuturing si Tell bilang maalamat at ang kaniyang mga ikinilos ay nakatulong sa pagbuo ng Switzerland (Suwisa) upang maging isang nasyon.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Firth, Lesley, et al (mga patnugot). "Who was William Tell?", Myths, Legends, and Heroes, WHO WHERE THEY?, Little Simon, Simon & Schuster, Inc., 1985, pahina 61.