Swamp Thing
Ang Swamp Thing ("Bagay ng Lati") ay isang tauhang kathang-isip at isang nilikhang elemental na kapwa humanoid at halaman na nasa DC Universe, na nilikha ng manunulat na si Len Wein at ng mangguguhit na si Berni Wrightson. Si Swamp Thing ay nagkaroon ng ilang mga inkarnasyon bilang humanoid o halimaw, depende sa sari-saring mga pagsasalaysay. Una siyang lumitaw sa House of Secrets #92 (Hulyo 1971) na nasa loob ng isang independiyenteng kuwentong nakakatakot noong kaagahan ng ika-20 daantaon.[1] Nagbalik ang tauhang ito sa isang seryeng pangsolo, na nakatakda sa mundong kontemporaryo at sa pangkalahatang kontinuwidad ng DC Universe.[2] Ang karakter ay isang humanoid na masa ng materya ng gulay na nakikipaglaban upang maprutektahan ang kaniyang tahanang latian, ang kapaligiran sa pangkalahatan, at ang sangkatauhan, mula sa sari-saring mga panganib na supernatural o terorista.
Natanggap ng lalaking tauhang ito ang kaniyang pinakamalaking antas ng katanyagan noong mga dekada ng 1980 at 1990. Sa labas ng isang malawak at masaklaw na kasaysayang pangkomiks, ang Swamp Thing, bilang isang pag-aari, ay nakapagbigay ng inspirasyon sa dalawang mga pelikula, ng isang seryeng pantelebisyon, at isang serye ng animadong kartun na may limang bahagi noong 1991, at iba pang mga midya.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ McAvennie, Michael; Dolan, Hannah, ed. (2010). "1970s". DC Comics Year By Year A Visual Chronicle. Dorling Kindersley. p. 146. ISBN 978-0-7566-6742-9.
'Swamp Thing' was the name of Len Wein and Bernie Wrightson's turn-of-the-century tale, and its popularity with readers led a modernized version of the character into his own series a year later.
{{cite book}}
:|first2=
has generic name (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ McAvennie "1970s" na nasa Dolan, p. 153: "Following his debut in House of Secrets #92 in 1971, the Swamp Thing grew into his own series, albeit with a reimagining of his origins by writer Len Wein and artist Bernie Wrightson."