iBet uBet web content aggregator. Adding the entire web to your favor.
iBet uBet web content aggregator. Adding the entire web to your favor.



Link to original content: https://tl.wikipedia.org/wiki/San_Wenceslao_I,_Duke_ng_Bohemya
San Wenceslao I, Duke ng Bohemya - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

San Wenceslao I, Duke ng Bohemya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Monumento ni San Wenceslaus sa Olomouc (Czech Republic).

Si Wenceslaus, Wenceslas, o Wenceslao (Tseko: Václav [ˈvaːtslaf]; Aleman: Wenzel), na may titulong Wenceslaus I, Duke ng Bohemya (ipinanganak noong ca. 907 - namatay noong Setyembre 28, 935 o 929) ay ang duke (kníže) ng Bohemya magmula 921 hanggang siya ay paslangin noong 935, na kagagawan ng kaniyang kapatid na lalaking si Boleslav.[1] Kapwa sila mga anak ni Vratislav I, na duke (kniáz) ng Bohemya.

Bilang anak ni Vratislav I, Duke ng Bohemya, nagkaroon ng popular na pagdedebosyon kay Wenceslao pagkaraan ng kaniyang pagkamartir, at bunga rin ng reputayon niya bilang isang haring ubod ng bait. Ito ang sanhi ng pagdeklara sa kaniya bilang hari matapos siyang patayin, at ng kaniyang pagkaluklok sa kasantuhan at tinaguriang patron ng estadong Tseko.

Ginugunita siya ng Simbahang Romano Katoliko at ng Simbahang Ortodokso bilang San Wenceslao tuwing ika-28 ng Setyembre, at siya ang paksa ng himig pamaskong Good King Wenceslas ("Mabuting Haring Wenceslao" o "Mabait na Haring Wenceslao") na inaawit kapag piyesta ni San Esteban (nakikilala bilang Saint Stephen sa Ingles) tuwing ika-26 ng Disyembre.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Firth, Lesley, et al (mga patnugot). "Who was King Wenceslas?", Myths, Legends, and Heroes, WHO WHERE THEY?, Little Simon, Simon & Schuster, Inc., 1985, pahina 60.

TaoCzechoslovakia Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao at Czechoslovakia ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.