iBet uBet web content aggregator. Adding the entire web to your favor.
iBet uBet web content aggregator. Adding the entire web to your favor.



Link to original content: https://tl.wikipedia.org/wiki/Salita
Salita - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Salita

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang salita[etymology?] ay ang yunit ng wika na siyang nagdadala ng payak na kahulugan, at binubuo ng isa o higit pang morpema, na higit-kumulang ay mahigpit na sama-samang magkakaugnay, at may halagang ponetika. Tipikal na binubuo ang isang salita ng isang ugat, at maaaring mayroon o walang panlapi.

Sa ngayon, hindi pa tuluyang napapagkasunduan ng mga lingguwistiko kung ano nga ba ang maituturing na "salita" at hindi, lalo na kung ihihiwalay ang wika sa kaniyang sistema ng panulat. At, hindi pa rin napapagkasunduan ang pinagkaiba ng "salita" at "morpema."[1]

Maaaring pagsamahin ang salita upang makabuo ng mga pananalita, parilala, sugnay at pangungusap.

Sinalin mula sa artikulo: Word [ENG].

Marami na ang naging suhestiyon bilang pamantayan sa pagtukoy sa mga salita, ngunit hindi lahat ay maaaring gamitin sa lahat ng wikang nalalaman natin sa kasalukuyan. Sa isang talasalitaan o diksyunaryo nakahanay ang lexicon ng isang wika. Maaaring gamiting pamantayan ito upang malaman kung ano nga ba ang maituturing na "salita" (ayon sa opinyon ng nagsulat nito). Kapag lalong malawak ang kahulugan ng isang salita, madalas itong pinagmumulan ng debate o hindi pagkakaintindihan.

Semantic definition

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Leonard Bloomfield ang unang nag-akala sa konsepto ng "Minimal Free Forms" noong 1928. Ayon sa kaniya, ang isang salita ay ang pinakamaliit na yunit ng speech o pagbigkas, na mayroong kahulugan. Ngunit hindi lahat ng salita ay maiaayon sa kahulugang ito, katulad na lamang ng mga salitang ang at ng.

Ayon sa ilang semanticists (semantisista), mayroong tinatawag na semantic primitives o semantic primes; mga salitang hindi agarang mabibigyang-depinisyon, na nagsasaad ng mga konseptong pundamental na nagkakaroon lamang ng kahulugan sa budhi o intensyon ng tagasalita. Ang mga primes na ito ang siyang batayan sa paglalarawan ng kahulugan--ng walang circularity (paglarawan sa isang salita gamit ang salitang inilalarawan)--ng iba pang mga salita pati na ang sadyang kahulugang naiayon na sa mga ito.

Mga Katangian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Batid naman ng Teoryang Minimalista, nakasaad sa kanilang theoretical syntax na ang mga salita (tinatawag na lexical items sa literatura) ay pawang "magkakabungkos" na linguistic features na magkakaugnay sa isang regular na estrukturang nagtataglay ng hugis at kahulugan.

Halimbawa, ang salitang "koalas" ay may semantikong katangian (isa itong hayop, ang koala), katangiang naiuuri (pangngalan ito), katangiang pamilang (tumutukoy sa maraming koala at nararapat na sumang-ayon sa mga pandiwa, panghalip, at iba pang salitang nasasaklaw nito [sa isang pangungusap]), katangitang ponolohikal (paano ito bigkasin), atbp.

Word Boundaries (Delimitasyon)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Saan nga ba nagtatapos ang isang salita at nagsisimula ang kasunod? Maraming paraan kung paano:

  • Potensyal na tigil. Kapag ipinaulit sa isang ispiker ang isang pangungusap habang binibigkas ito ng marahan, may potensyal na maglagay ng tigil ang ispiker sa delimitasyon. Hindi mapanghahawakan ang ganitong pamamaraan: marahil ay putulin ng ispiker ang mga mahahabang salita, o kaya'y pagdikitin ang mga maiikling salita (Sa Ingles: "to a" sa loob ng pangungusap "He went to a house").
  • Indivisibility. Sabihin sa isang ispiker na bigkasin ang isang pangungusap, at pagkatapos ay sabihing uliting muli ang pangungusap, ngunit ngayon ay dinagdagan pa ng mga salita. Halimbawa (Sa Ingles): "I have lived for ten years" (Nanirahan akó ng sampung taon) ay naging "My family and I have lived in this little village for ten years." (Nanirahan akó at ang aking pamilya sa baranggay na ito ng may sampung taon na.) Ang kahinaan ng pamamaraang ito ay sa mga salitang laguhan (Tignan: laguhan).
  • Delimitasyong pamponetika: Katangian ng ilang wika ang pagkakaroon ng sariling batas o rules sa pagbigkas, na siyang nagbibigay-daan upang malaman kung saan nagtatapos ang isang salita. May ilang wika na madalas ay binibigyang-diín ang huling pantig bago magsimula sa sunod; malaki ang tyansang ang isang hangganan ay matatagpuan pagkatapos ng bawat diín. Isa pang halimbawa ay sa Turkish o iba pang wikang mayroong vowel harmony, na kung saan nagkakatulad ang kalidad ng mga patinig sa isang salita, kayâ maaaring magtapos ang isang salita kapag nag-ibá na ang "kalidad ng patinig." Ngunit hindi lahat ng wika ay mayroong patakarang katulad sa mga nabanggit. Kahit mayroon pa man, makakahanap pa rin ng mga salitang hindi maiaangkop ng malinis dito.
  • Delimitasyong pang-ortograpika. Sunod na baitang.

Sinalin mula sa artikulo: Word [ENG].

Doon sa mga wikang may kalakip na paraan ng pagsulat, mayroon ditong (direktang[?]) kaugnayan sa pagitan ng ortograpika at sa kung ano nga ba ang isang salita. Ang mga Word separators (Fil: tagapagbukod ng salita[?]), na kadalasan ay makikita sa anyo ng spaces o mga patlang, ay karaniwang matatagpuan sa mga wikang gumagamit ng isang alpabeto. Ngunit kahit ito ay maituturing na makabagong katangitan sa kasaysayan ng pagsulat.

Sa Ingles, mayroong tinatawag na compond expression (Fil: nagtatambalang pahayag[?]). Dito, gumagamit ng higit sa isang salita upang makabuo ng panibagong kahulugan. Sa Filipino halimbawa, ang mga katagang kabiláng ibayo, walang kwenta, at lukso ng dugo ay mga katagang may ibang kahulugan kapag pinagsama ngunit gumagamit pa rin ng patlang. Kadalasang matatagpuan ang mga katagang ito bilang sawikain, o madalas ay nagdidikit upang maging salitang tambalan (Tignan: Tambalan).

Hindi lahat ng wika ay gumagamit ng patlang. Sa wikang Mandarin Chinese (isang uri ng analytical language), dikit-dikit ang mga salita sa isang pangungusap. Maraming tinatawag na multiple-morpheme compounds sa Mandarin pati mga bound morphemes na nagpapalabo sa kung ano ang maituturing na salita.

Wala ring patlang sa wikang Hapon, ngunit nagpapalinaw ang paggamit ng kanji, katakana, at hiragana upang matukoy ang isang salita. (Kalakip na pagbasa: Wikang Hapones)

Sa wikang Vietnamese, hindi salita ang binibigyang delimitasyon kundi mga morponemang may isahang pantig lamang.

Uri/Antas ng Salita

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang sumusunod ay ang pagkakapangkat ng mga uri/antas ng salita sa Wikang Filipino.

Ito ay ginagamit sa mga seryosong publikasyon at gumagamit ng mga salitang mas komplikado kumpara sa ginagamit sa pang-araw-araw na usapan. Itinuturing na pinakamataas na antas sapagkat karaniwang kinikilala na may batayan.

Wikang ginagamit sa paaralan, pamahalaan at simbahan. Batid ng sambayanan ang mga salitang kabilang sa antas na ito.

Halimbawa: bansa, tao, batas, at iba pa.

Pampanitikan o Panretorika

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pinakamataas at pinakamayamang antas dahil ang mga salita ay malikhain, masining at matalinhaga na ginagamit sa panitikan.

Halimbawa: mga idyoma [gaya ng?], tayutay [gaya ng?] at iba pa.

Di-pormal o Impormal

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ito ay ginagamit ng karaniwang tao sa araw-araw; simple ang bokabularyo nito.

Mga salitang diyalektal, o wika sa partikular na lugar o lalawigan lamang. Maaaring magkaiba-iba sa tono, gamit na pananalita, at maging sa hanay ng mga salita ayon sa lalawigan.

Salitang Kolokyal

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ito ang mga karaniwang salitang pambansang nabuo sa pamamagitan ng pagsasama o pagdudugtong ng salita.

Pormal Kolokyal
mayroon meron
sa akin sakin
kailan kelan

Salitang Banyaga

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Karaniwang ginagamit ng mga Pilipino sa larangan ng komunikasyon ang mga ito. Lagi nang humahalo ang mga salitang ito saanmang usapang impormal. Madalas din itong gamitin kung walang malinis na pagsasalin sa wikang kinalakhan.

Halimbawa: "Nakakatakot talaga ang supertyphoon, ano?"

Salitang Balbal

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Walang pamantayan ang gamit nito. Nabubuo ito ng isang pangkat ng lipunan para sa kanilang partikular na pagkakakilanlan. Karaniwang nauuso lamang ito at paglipas ng ilang panahon, maaaring mawala at mapalitan ng iba pang salitang balbal.

  • Teenage Lingo - salita ng mga kabataan
  • G-lang - wika ng mga maliliit na grupo; may code
  • Sward Speech/Gay Lingo/Gayspeak - salita ng mga bakla o tomboy
Pormal Di-pormal
Pambansa Pampanitikan Lalawiganin Kolokyal Banyaga Balbal
Teenage Lingo G-lang Sward Speech/Gay Lingo/Gayspeak
nanay ilaw ng tahanan nanang (Kankana-ey) 'nay mother mamits naganagay madir, mamu, mamita
kasintahan laman ng dibdib ayaten (Ilokano) sinta sweetheart syota, dyowa/jowa syogotaga labidabs
malupit walang awa isog (Cebuano) malupet cruel petmalu tipulam lupeeet

Kayarian ng Salita

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang sumusunod ay ang pagkakapangkat ng kayarian ng mga salita sa Wikang Filipino.


Malalaman dito kung papaano nabubuo ang mga salita: kung ito ba ay salitang-ugat lamang, may ikinakabit na panlapi, inuulit o tambalan.

Ito ang salitang-ugat. Wala itong panlapi, walang katambal na ibang salita at hindi inuulit.

Halimbawa: bata, paa, daga

Mayroong lapi. Binubuo ito ng salitang-ugat na may kasamang panlapi.

  • Unlapi - Ito ay panlaping nasa unahan ng salita.
    • Halimbawa: masaya, nagwalis
  • Gitlapi - Ito ay panlaping nasa gitna ng salita.
    • Halimbawa: sumaya, winalis
  • Hulapi - Ito ay panlaping nasa hulihan ng salita.
    • Halimbawa: sayahin, walisin
  • Kabilaan - Ito ay panlaping nasa unahan at hulihan ng salita.
    • Halimbawa: masayahin, pakiwalisin
  • Laguhan - Ito ay panlaping nasa unahan, gitna at hulihan ng salita.
    • Halimbawa: pinagsumikapan, magdinuguan

Ang salita ay inuulit kapag ang kabuoan o isa o higit pang pantig sa dakong unahan ay inuulit.

  • Inuulit na Ganap o Buo. Inuulit ang buong salitang-ugat nang may pang-angkop o wala, o may panlapi o wala. Paalala: ang salitang-ugat lamang ang inuulit.
    • Halimbawa: gabi-gabi, araw-araw
  • Inuulit na Di-ganap o Parsiyal. Inuult lamang ang isa o higit pang pantig ng salitang-ugat, kahit may panlapi pa ito.
    • Halimbawa: lilima, aabangan
  • Magkahalong Ganap at Di-ganap. Ito ang tawag kapag buong salita at isang bahagi ng pantig ang inuulit.
    • Halimbawa: iilan-ilan, tutulong-tulong

Ang salita ay tambalan kung ito ay binubuo ng dalawang salitang pinagsasama para makabuo ng isang salita lamang.

  • Tambalang Di-ganap. Ito ang tawag kapag ang kahulugan ng salitang pinagtambal ay nananatili.
    • Halimbawa: bahay-kubo, kuwentong-bayan
  • Tambalang Ganap kapag nakabubuo ng ibang kahulugan kaysa sa kahulugan ng dalawang salitang pinagsama.
    • Halimbawa: dalagambukid, bahaghari

Mga Sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga Pinagkukunan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Baybayin: Paglalayag sa Wika at Panitikan Baitang 8 by Remedios Infantado ISBN 978-971-23-7030-4 p.198
  • Pinagyamang Pluma 9, by Ailene G. Baisa-Julian, Mary Grace G. del Rosario, Nestor S. Lontoc ISBN 978-971-06-3652-5, pp. 19, 112-115, 196-197, 304-305
  • Baybayin: Paglalayag sa Wika at Panitikan 7 by Ramilito Correa ISBN 978-971-23-7028-1 p. 349-353

WikaPanitikanKomunikasyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Wika, Panitikan at Komunikasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.