iBet uBet web content aggregator. Adding the entire web to your favor.
iBet uBet web content aggregator. Adding the entire web to your favor.



Link to original content: https://tl.wikipedia.org/wiki/Ngala-ngala
Ngala-ngala - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Ngala-ngala

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang ngala-ngala o ngalangala (Ingles: palate) ay ang taas ng bibig sa mga tao at iba pang mga mamalya. Inihihiwalay nito ang bitak na pambibig (lukab na pambibig) magmula sa bitak na pang-ilong.[1] Isang katulad na kayarian ang matatagpuan sa mga krokodilyano, subalit sa karamihan ng iba pang mga tetrapod, ang mga bitak na pambibig at pang-ilong ay hindi talagang magkakahiwalay. Ang ngala-ngala ay nahahati sa dalawang mga bahagi, ang nauuna o anteryor na mabutong matigas na ngala-ngala at ang panghuli (posteryor) o panlikurang malambot na ngala-ngala o belum (velum).[2][3][4] Ang sangay ng nerbiyong maksilaryo (nerbiyong pampanga) ng nerbiyong triheminal ang nagbibigay ng inerbasyong sensoryo (inerbasyong pandama) sa ngala-ngala. Nabubuo ang matigas na ngala-ngala bago pa man ipanganak ang sanggol. Kapag hindi nabuo ang pagsasanib, tinatawag itong bingal, siwang o "lamat" ng ngala-ngala. Dating itinuturing ang bubungan ng bibig bilang luklukan ng pandama ng panlasa, kung kaya't mayroong parirala sa Ingles na "a discriminating palate" na may kahulugang "mapantanging ngala-ngala".

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Wingerd, 166
  2. Wingerd, 478
  3. Clayman, 1995
  4. Gray's Anatomy, 1172

Anatomiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Anatomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.