iBet uBet web content aggregator. Adding the entire web to your favor.
iBet uBet web content aggregator. Adding the entire web to your favor.



Link to original content: https://tl.wikipedia.org/wiki/Habing_tela
Habing tela - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Habing tela

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Mga habing tela

Ang habing tela ay nabubuo sa pamamagitan ng paghabi ng kayo. Ginagawa ito sa habian at gawa sa maraming hinabi na sinulid na pahiga o patayo.

Paraan ng paghabi

[baguhin | baguhin ang wikitext]

May ilang paraan kung paano bumubuo ng isang tela, at isa rito ay ang paghabi. Paghahabi ang pinakapopular na uri ng pagbuo ng tela. Ito ay ginagamit sa pamamagitan ng pagsasala-salabat ng 2 o higit pang sinulid nang anggulong rekto sa isa't-isa. Ito ay kadalasang ginagamit sa mga damit, mga muwebles, at mga industriyal na produkto.

Maraming klase ng mga habing tela. Sila ay maaaring magkaiba sa paraan na pagkakasalabat ng mga sinulid; sa bilang ng mga sinulid sa bawat pulgadang kwadrado; at sa balanse o rasyo ng mga patayong sinulid sa mga pahigang sinulid.

Maraming mga klasipikasiyon ng tela ayon sa pagkakahabi. Ang ilan sa pinakapopular ay ang mga sumusunod:

  1. Karaniwang habi – pinakasimpleng uri ng paghahabi na kung saan ang mga pahiga at patayong sinulid ay sumasalit-salit lamang sa isa't isa. Ito ay nahahati pa sa dalawa.
    1. Balanse – halos parehas lang ang dami ng pahiga at patayong sinulid sa bawat isang kuwadradong pulgada.
    2. Di-balanse – mas marami ng dalawang beses ang mga patayong sinulid kaysa sa mga pahigang sinulid sa isang kuwadradong pulgada.
  2. Habing twill – uri ng paghahabi kung saan ang bawat isang patayong sinulid ay nilulutangan ang dalawa o higit pang pahigang sinulid, o pahigang sinulid sa patayo, at may progresiyon ng pagsasalabat ng isang sinulid sa kaliwa o sa kanan, at bumubuo ng mga pahilis na linya na tinatawag na wales. Mayroon din itong dalawang uri:
    1. Reversible Twill – parehas ang dami ng patayo at pahigang sinulid na makikita sa alin mang gilid o harapan ng tela.
    2. Warp-faced Twill - mas marami ang warp na sinulid sa tamang harapan ng tela.
  3. Habing satin – isang uri ng paghahabi na kung saan ang bawat isang patayong sinulid ay nilulutangan ang apat na pahigang sinulid bago pumapailalim uli sa ika-limang pahigang sinulid, at may progresiyon ng pagsasalabat ng 2 sinulid sa kanan o sa kaliwa. Maaari ring baligtad at ang pahigang sinulid naman ang nilulutangan ng patayong sinulid.
  4. Pile Weave – isang 3-dimensyonal na tela na may makapal na talukip na gawa sa mga hibla ng salubsob o sinulid. Ang tawag makapal na talukip nang hibla na ito ay salansan. Ang ilan sa mga klasipikasyon nito ay ang mga sumusunod:
  5. Woven pile fabrics - Nagagawa ito sa pamamagitan ng paghahabi ng isa pang pangkat ng patayong sinulid sa mga naunang nahabi na sinulid para makagawa ng silo sa ibabaw ng tela. Halimbawa nito ay ang terry cloth, o ang telang ginagamit sa mga tuwalya.
  6. Tufted Pile Fabrics – ginagawa sa pamamagitan ng pagbubutas ng dagdag na sinulid sa tela.
  7. Flocked Pile Fabrics - ang mga flock, o mga napakaliliit ng mga hibla, ay ikinakabit sa ibabaw ng tela gamit ang isang pandikit.
  8. Chenille Yarn Fabrics – gumagamit ng chenille yarns para makagawa ng pile. Ang mga chenille na sinulid ay ginagawa sa pamamagitan ng pagiikot-ikot ng tatlong uri ng mga sinulid.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • University of the Philippines BS Clothing Technology Courses
  • CTRA 19 - Textiles for Consumers
  • Armstrong, H.J. Patternmaking for fashion design. 4th ed. Upper Saddle River, N.J.: Pearson / Prentice Hall. 2006
  • Hollen, N., & Saddler, J. Textiles. 4th ed. New York: Macmillan (1973)