iBet uBet web content aggregator. Adding the entire web to your favor.
iBet uBet web content aggregator. Adding the entire web to your favor.



Link to original content: https://tl.wikipedia.org/wiki/Elektrisidad
Elektrisidad - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Elektrisidad

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Multiple lightning strikes on a city at night
Ang pagkidlat ang isa sa pinaka dramatikong mga epekto ng elektrisidad.

Ang elektrisidad ay isang pangkat ng mga pisikal na pangyayari na nauugnay sa presensya at daloy ng karga ng kuryente. Ang elektrisidad ay nagbibigay ng iba't-ibang uri ng mga kilalang epekto tulad ng kidlat, statikong elektrisdad, induksiyong elektromagnetiko at kuryente. Sa karagdagan, ang elektrisidad ay pinapayagang gumawa at tumatanggap ng radiasyong elektromagnetiko gaya ng mga liboy ng radyo.

Sa elektrisidad, ang mga karga ng kuryente ay lumilikha ng mga elektromagnetikong field na umeepekto sa mga iba pang karga. Ang elektrisidad ay nangyayari dahil sa mga iba't ibang uri ng pisika:

Sa inhinyeryang elektrikal, ang elektrisidad ay ginagamit para sa:

Ang mga pangyayaring na tungkol sa elektrisidad ay matagal ng napagaralan; bagaman ang pagsulong sa panteoryang pang-unawa nito ay nanatiling mabagal hanggang sa ikalabimpito at ikalabing-walong siglo. Ngunit kahit ang mga aplikasyong praktikal para sa elektrisidad ay kakaunti lamang, nagamit parin ito ng mga inhinyero sa mga industriyal at pantahanang gamit sa mga huling taon ng ikalabinsiyam na siglo. Ang mabilisang paglawak ng mga teknolohiyang nangangailangan ng elektrisidad ay nakapagpabago sa industriya at lipunan. Ang kapansin-pansin na malawak na kaalaman ng elektrisidad ay nangangahulugan na pwede ito ilagay sa halos walang hanggang pangkat ng mga aplikasyon na ang mga halimbawa ay paglilipat, pagpapainit, pagpapailaw, komunikasyon, at komputasyon. Ang lakas ng dagitab ay isa na ngayong gulugod ng makabagong industriya ng lipunan.[1]

Ang salitang electricity ay mula sa Bagong Latin na ēlectricus, "tulad ng amber"[a] na inimbento noong 1600 mula sa Griyegongήλεκτρον (elektron) na nangangahulugang amber dahil ang mga epektong elektrikal ay klasikong nililikha sa pamamagitan ng pagkukuskos ng amber.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Jones, D.A. (1991), "Electrical engineering: the backbone of society", Proceedings of the IEE: Science, Measurement and Technology, 138 (1): 1–10, doi:10.1049/ip-a-3.1991.0001{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)