iBet uBet web content aggregator. Adding the entire web to your favor.
iBet uBet web content aggregator. Adding the entire web to your favor.



Link to original content: https://tl.wikipedia.org/wiki/Digmaang_Laban_sa_Terorismo
Digmaang Laban sa Terorismo - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Digmaang Laban sa Terorismo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Digmaang Laban sa Terorismo (Ingles: War on Terror), na nakikilala rin bilang Pandaigdigang Digmaang Laban sa Terorismo (o Global War on Terror) o kaya bilang Digmaang Laban sa Panliligalig (Ingles: War on Terror) ay isang katagang pangkaraniwang inilalapat sa isang pandaigdigang kampanyang militar na pinamunuan ng Estados Unidos at ng Nagkakaisang Kaharian na pagtangkilik o suporta ng ibang mga bansang kasapi sa NATO pati na mga bansang hindi kasapi sa NATO. Orihinal na ang kampanyang ito ay inilunsad laban sa al-Qaeda at iba pang mga organisasyong militante na may layuning gapiin sila.[1]

Ang pariralang War on Terror ay unang ginamit ng Pangulo ng Estados Unidos at iba pang mga opisyal ng Estados Unidos na may matataas na ranggo upang ipahiwatig ang isang pandaigdigang pangmilitar, pampolitika, pambatas at pang-ideyolohiyang pakikipaghamok laban sa mga organisasyong pinangalanan bilang terorista at mga rehimen na sinakdal na mayroong kaugnayan sa kanila o nagbibigay sa kanila ng suporta o pinaghihinalaan, o humaharap bilang isang badya ng panganib sa Estados Unidos at sa mga kakampi nito sa pangkalahatan. Ito ay pangkaraniwang ginagamit sa isang partikular na pagtuon sa terorismong Islamiko (mga militanteng Islamista) at al-Qaeda.

Bagaman ang termino ay hindi opisyal na ginagamit ng administrasyon ng Pangulo ng Estados Unidos na si Barack Obama (na sa halip ay gumagamit ng katagang Overseas Contingency Operation o "Operasyong Pangkagipitan (Kontinhensiya) na Pang-ibayong Dagat"), ito ay pangkaraniwan pa ring ginagamit ng mga politiko, sa midya at opisyal na ginagamit ng ilang mga aspeto ng pamahalaan, katulad ng Medalya ng Serbisyo sa Pandaigdigang Digmaan Laban sa Terorismo ng Lakas Sandatahan ng Estados Unidos.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. ETA "Presidential Address to the Nation" (Nilabas sa mamamahayag). The White House (Paikot na tulad ng sa kilos ng kamay ng orasan, nagsisimula sa ituktok sa kaliwa: Nasusunog na mga labi ng World Trade Center, lumululan ang mga sundalo ng Estados Unidos sa isang helikopter na Chinook habang isinasagawa ang Operasyong Anakonda, isang Apgano at isang sundalo ng Estados Unidos ang naghihintay na sagupain ang isang kalaban, isang kotse ang sumabog sa Baghdad, Irak. 11 Setyembre 2001. {{cite nilabas sa mamamhayag}}: line feed character in |publisher= at position 16 (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)