iBet uBet web content aggregator. Adding the entire web to your favor.
iBet uBet web content aggregator. Adding the entire web to your favor.



Link to original content: https://tl.wikipedia.org/wiki/Capparaceae
Capparaceae - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Capparaceae

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Capparaceae
Caper (Capparis spinosa)
Klasipikasyong pang-agham e
Kaharian: Plantae
Klado: Tracheophytes
Klado: Angiosperms
Klado: Eudicots
Klado: Rosids
Orden: Brassicales
Pamilya: Capparaceae
Juss.[1]
Henera

Tingnan sa teksto.

Ang Capparaceae o Capparidaceae, na karaniwang nakikilala bilang pamilya ng mga caper, ay isang mag-anak ng mga halaman na nasa orden ng Brassicales. Ito ay mga puno, mga palumpong, o mga liana, na paminsan-minsang mga yerba, na karaniwang natatagpuan sa mga pook na tropiko. Ayon sa pangkasalukuyang pagtatakda, ang pamilya ay naglalaman ng 33 mga henera at ng humigit-kumulang sa 700 mga espesye, bagaman ang ilang henera na kasalukuyang kasama ay maaaring hindi naman nararapat na naroroon. Ang pinakamalaking henera ay ang Capparis (mayroong humigit-kumulang sa 150 mga espesye), Maerua (humigit-kumulang sa 100 mga espesye), Boscia (37 mga espesye) and Cadaba (30 mga espesye).

Ang Capparaceae ay matagal nang itinuturing na malapit na mayroong kaugnayan sa, at madalas na isinasama sa, loob ng Brassicaceae, ang pamilya ng mustasa (APG, 1998), sa isang bahagi dahil ang mga pangkat ay kapwa lumilikha ng mga langkapang glucosinolate o glukosinolado (mantika ng mustasa). Ang sumunod na mga araling pangmolekula (Hall et al., 2002, 2008) ay sumusuporta sa Capparaceae s.s. bilang parapiletiko na may paggalang sa Brassicaceae. Ngunti ang Cleome at ang ilan pang mga henerang kaugnay ay mas malapit na may kaugnayan sa mga kasapi sa Brassicaceae kaysa sa iba pang mga nasa Capparaceae. Ang mga henerong ito ay pangkasalukuyang inilalagay sa loob ng Brassicaceae (bilang ang subpamilyang Clemoideae) o inihihiwalay na ipinapaloob sa Cleomaceae. Ang ilan pang mga henero ng tradisyunal na Capparaceae ay mayroong mas malapit na pagkakaugnay sa iba pang mga miyembro ng Brassicales, at ang ugnayan ng ilan pa ay nananatiling hindi pa nalulutas (Hall et al. 2004). Ayon sa mga batayang pangmorpolohiya na sinusuportahan ng mga pag-aaral na pangmolekula, ang espesyeng Amerikano na nakaugaliang kinikilala bilang Capparis ay inilipat sa muling binuhay na mga pangalang heneriko. Ilang bagong mga henero ang kamakailan ding nailarawan (Cornejo & Iltis 2006, 2008a-e; Iltis & Cornejo, 2007; Hall, 2008).

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Family: Capparaceae Juss., nom. cons". Germplasm Resources Information Network. United States Department of Agriculture. 2007-04-12. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-09-21. Nakuha noong 2011-01-31.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Biyolohiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Biyolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.