Camellia sinensis
Tsaa | |
---|---|
Yabong ng Camellia sinensis. | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | Plantae |
Klado: | Tracheophytes |
Klado: | Angiosperms |
Klado: | Eudicots |
Klado: | Asterids |
Orden: | Ericales |
Pamilya: | Theaceae |
Sari: | Camellia |
Espesye: | C. sinensis
|
Pangalang binomial | |
Camellia sinensis |
Ang tsa, tsaa o saa (Ingles: tea plant o tea shrub; pangalan sa agham: Camellia sinensis[1]) ay isang palumpong o maliit na puno.[2]
Mga uri
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mayroong tatlong uri ng tsa: ang lunting tsa, itim na tsa, at oolong na tsa (bigkas: /u-long/).[1]
Tsaang lunti
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ginagawa ang lunting tsa sa pamamagitan ng pagpiprito ng bata pa at sariwang mga dahon at mga usbong ng dahon ng tsa. Ibinibilot o pinatutuyo ang mga ito pagkaraang iprito.[1]
Tsaang itim
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ginagawa ang itim na tsa sa pamamagitan ng paglalanta ng sariwang mga dahon sa ilalim ng sinag ng araw. Ginagasgas ng bahagya ang mga dahon, at pinapaasim o isinasailalim ng kaunti sa proseso ng permentasyon.[1]
Tsaang oolong
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ginagawa ang tsaang oolong sa pamamagitan ng lubos na pagsasagawa ng pagpapaasim o permentasyon. Malawakang iniinom ito sa Europa, Indiya, at Hilagang Amerika.[1]
Bilang yerba
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bilang yerba o halamang-gamot, iniinom na ito ng mga Intsik magmula pa noong 3,000 BK. Itinuturing nila itong pampasigla o estimulante, astringhente para sa pagpapalabas o pagtatanggal ng plema, at gamot sa panunaw o dihestiyon.[1]
Tsaang lunti
[baguhin | baguhin ang wikitext]May pananaliksik mula sa silangang bahagi ng mundo na nagpapakitang nakababawas ang lunting tsa sa pagkakaroon ng kanser sa sikmura o tiyan.[1] Mayaman ito sa plorina, kaya't nakababawas sa pagkasira ng mga ngipin. Nagagamit itong panggamot para sa mga kagat ng mga kulisap, at pagpigil ng pagdurugo ng mga sugat. Panlaban din ito sa mga kanser sa balat at sikmura. Nakapagpapasigla rin ito ng sistemang imyuno.[1]
Tsaang itim
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mainam ang uri ng itim na tsaang Pu erh para sa pagpapababa ng antas ng kolesterol, partikular na pagkaraang kumain ng matataba o mamamantikang mga pagkain. Batay sa pananaliksik ng mga Hapones, nakababawas ito ng mataas na presyon ng dugo, at nakapagpapababa rin ng panganib ng pagkakaroon ng karamdamang arteryal.[1]
Tsaang oolong
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mayaman ito sa mga tannin. Malakas na astringhente ito, kaya't nagagamit bilang mabuting lunas laban sa pagtatae.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.00 1.01 1.02 1.03 1.04 1.05 1.06 1.07 1.08 1.09 Ody, Penelope (1993). "Tea, Camellia sinensis, Cha". The Complete Medicinal Herbal. DK Publishing, Inc.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 44. - ↑ English, Leo James, Diksyunaryong Tagalog-Ingles, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971-91055-0-X
Ang lathalaing ito na tungkol sa Halaman at Inumin ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.