Agham pang-aklatan at pang-impormasyon
Ang agham pang-aklatan at pang-impormasyon ay ang pagsasama ng agham pang-aklatan at agham pang-impormasyon. Ito ay isang makabagong agham na binubuo ng mga konseptong interdesiplinaryo katulad ng matematika, sosyolohiya, sikolohiya, agham pangkompyuter, epistemolohiya at pilosopiya. Ito ang teyoretikal at eksperimental na pag-aaral patungkol sa interaksiyon ng tao sa mga nakatalang karunungan. Ang agham na ito ay may kinalaman sa produksiyon, representasyon, komuniskasyon, pag-imbak, organisasyon at paggamit ng iba't ibang klase ng impormasyon.
Ang agham pang-aklatan at pang-impormasyon ay maari ring ipakahulugan na pag-aaral sa mga usaping may kaugnayan sa mga aklatan. Kabilang din dito ang mga akademyang pag-aaral (kadalasan mga pagsusuri) tungkol sa kung papaano ginagamit ang yaman ng aklatan at kung papaano makipag-interaksiyon ang mga tao sa mga sistema ng aklatan. Kadalasang nagiging partikular lamang sa mga tiyak na aklatan sa mga tiyak na panahon ang pag-aaral nito. Isa sa mataas na hangarin ng aklatan at agham pang-impormasyon ang pagsasaayos ng kaalaman para sa mabisang pagkuha ng may kaugnayang impormasyon. Kinabibilangan sa mga pundamental na paksa dito ang pagkukuha, pagka-katalogo, pag-uuri at pangangalaga ng mga materyal ng aklatan. Sa mas makasalukayang pananaw, ang arkitektura ng impormasyon ang masigasig sa paglago ng aklatan at agham pang-impormasyon. Hindi dapat ipagkamali ito sa teoriya ng impormasyon, ang matematikal na pag-aaral ng kaiisipan ng impormasyon. Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.