iBet uBet web content aggregator. Adding the entire web to your favor.
iBet uBet web content aggregator. Adding the entire web to your favor.



Link to original content: http://www.caleitc4me.org/tagalog
Ano ang EITC? - CalEITC4Me

Coming soon: Updated information and filing limits for 2025.

Ano ang EITC?

Ano ang EITC?

Ang Earned Income Tax Credit (EITC, Kredito ng Buwis sa Pinagtrabahuhang Kita) ay mga kredito ng buwis para sa mga taong nagtatrabaho na kumita ng mababa hanggang sa katamtamang kita. Maaari kang maging karapat-dapat na tumanggap ng refund na pera o mabawasan ang buwis na pagkakautang mo. May dalawang EITC: Ang California Earned Income Tax Credit (CalEITC, Kredito ng Buwis sa Pinagtrabahuhang Kita sa California) at ang pederal na Earned Income Tax Credit (EITC, Kredito ng Buwis sa Pinagtrabahuhang Kita).

CalEITC

Maaari kang maging kwalipikado para sa CalEITC kung:

  • Ikaw ay hindi bababa sa 18 taong gulang o may kuwalipikadong anak 
  • Kumita ka sa pinagtrabahuhan mo ng $31,950 o mas mababa pa
Bilang ng mga kwalipikadong anak
Pinakamalaking kita sa California
CalEITC (hanggang)
IRS EITC (hanggang)
YCTC (hanggang)
Wala
$31,950
$294
$632
$0
1
$31,950
$1,958
$4,213
$1,154
2
$31,950
$3,239
$6,960
$1,154
3 o higit pa
$31,950
$3,644
$7,830
$1,154

 

Tandaan:

  • Maaari ring maging kuwalipikado ang mga magulang para sa ibang mga kredito, gaya ng pederal na Child Tax Credit (CTC, Kredito ng Buwis para sa Bata).
  • Ang mga may hawak ng ITIN ay kwalipikado lamang para sa CalEITC at California Young Child Tax Credit (Kredito ng Buwis para sa Bata sa California).
  • Ang mga magulang na gumagamit ng ITIN ay maaaring i-claim ang pederal na Child Tax Credit (Kredito ng Buwis para sa Bata) para sa mga anak na mamamayan ng Estados Unidos.

Gamitin ang aming calculator para malaman kung ikaw ay kwalipikado at matantiya ang halaga ng iyong kredito.

Pederal na EITC

Ang Earned Income Tax Credit (EITC, Kredito ng Buwis sa Pinagtrabahuhang Kita) ay isang pederal na kredito ng buwis para sa mga taong nagtatrabaho na kumita ng mababa-sa-katamtamang kita. Hindi tulad ng CalEITC, ang mga taong may mga Social Security number lamang ang kwalipikado. Kung kwalipikado ka, maaari mong makita ang nabawasang singil sa buwis o mas malaking refund. Mas maraming pera ito sa iyong bulsa para mabayaran ang mga bagay na kailangan mo. 

Maaari mong i-claim ang kredito kung ikaw ay walang asawa o kasal, o may mga anak o wala. Ang pangunahing iniaatas ay kailangan mong kumita mula sa isang trabaho.

Kwalipikado ka para sa pederal na EITC kung:

  • Ikaw (o ang iyong asawa kung magpa-file ng joint return) ay hindi bababa sa edad na 19 taong gulang o mahigit pa
  • Ikaw (o ang iyong asawa kung magpa-file ng joint return) at sinumang kwalipikadong bata ay may Social Security number; AT 
  • Ikaw (at ang iyong asawa kung magpa-file ng joint return) ay may pangunahing tirahan sa Estados Unidos ng mahigit kalahati ng taon ng buwis; AT
  • Ikaw (at ang iyong asawa kung magpa-file ng joint return) ay hindi maaaring i-claim bilang isang dependent o kwalipikadong anak sa tax retun ng ibang tao; AT
  • Ikaw ay hindi kasal na hiwalay na magpa-file; AT
  • Ang iyong investment income para sa taon ng buwis ay $11,600 o mas mababa pa; AT
  • Kumikita ka ng hindi bababa sa $1 na kita at hindi hihigit sa:

 

Bilang ng mga kwalipikadong anak
Mga nagtatrabahong walang asawa na may kitang mababa sa:
Mga nagtatrabahong kasal na may kitang mababa sa
EITC na hanggang
3 o higit pa
$59,899
$66,819
$7,830
2
$55,768
$62,688
$6,960
1
$49,084
$56,004
$4,213
0
$18,591
$25,511
$632

Karapat-dapat ba ako noong nakaraang taon?

Alam mo bang mababago mo ang iyong mga tax return ng hanggang tatlong taon ang nakalipas kung malalaman mong karapat-dapat ka para sa mga kredito ng buwis na hindi mo unang nai-claim? Magandang balita; maaari mo pa ring makuha ang maire-refund na kreditong ito.

Tandaan:

  • Ang pederal na EITC ay may mga espesyal na patakaran para sa mga miyembrong militar, klero, at ilang taong may mga kapansanan.
  • Ang mga kredito ng buwis, gaya ng CalEITC at EITC, ay hindi itinuturing na mga pampublikong benepisyo sa ilalim ng U.S. Citizenship and Immigration Services (Mga Serbisyo sa Pagkamamamayan at Imigrasyon ng Estados Unidos).