iBet uBet web content aggregator. Adding the entire web to your favor.
iBet uBet web content aggregator. Adding the entire web to your favor.



Link to original content: http://tl.wikipedia.org/wiki/Virgil
Virgilio - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Virgilio

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Virgil)
Publius Vergilius Maro
Isang wangis ni Vergilius.
KapanganakanOktubre 15, 70 BK (BKE)
Andes, Cisalpine Gaul
KamatayanSetyembre 21, 19 BK (BKE)
Brundisium
TrabahoMakata
NasyonalidadRomano
KaurianPanulaang epika, panulaang didaktiko, panulaang pastoral
Kilusang pampanitikanPanulaang Augustano


Si Publio Virgilio Marón (Oktubre 15, 70 BKE19 BKE), na mas kilalá bílang Virgilio o Vergil, ay isang sinaunang makatang Romano ng Panahong Augustan. Tinatawag din siyang Virgilius o Vergilius. Kilalá siya dahil sa kaniyang tatlong pangunahing akda sa panitikang Latin, ang Eclogues (o Buocolics), ang Georgics, at ang epikong Aeneid. Maraming mga tula, ang mga tinipon sa Appendix Vergiliana, ay inuugnay rin sa kaniya.

Siya ay isa sa mga pinakamahusay na makata ng Roma. Ang Aeneid niya ay itinuturing din bílang pambansang epiko ng sinaunang Roma mula sa panahon ng pagkatha hanggang sa kasalukuyang panahon. Ito ay minodelo mula sa Illiad at Odyssey ni Homer, ang Aeneid ay tungkol sa isang Troyanong tumakas na si Aeneas habang sinisikap niyang tuparin ang kaniyang kapalaran at makarating sa baybayin ng Italya—sa mitolohiyang Romano, ang founding act ng Roma. Ang mga akda ni Virgil ay lumaganap at nakaimpluwensiya sa panitikang Kanluranin, lalo na sa Divine Comedy ni Dante, kung saan si Virgil ang gumabay kay Dante sa kaniyang paglalakbay sa impiyerno at purgatoryo.

Bílang dagdag, hinggil sa akda niyang Aeneis, ginawang huwaran ni Virgil si Homer sa paggamit ng mga diyos bílang mga tauhang pang-akda, ngunit mayroong kamangha-manghang panulaan ang Aeneis na naglalaman ng mga pininong mga parirala, kaya't napabantog at naituring na isang mahalagang gawa ng kapanahunang ginintuan ng panitikang Latin.[1]

Isinilang si Vergilius sa isang nayon sa hilagang Italya, sa isang manggagawang ama na nakalikom ng salapi mula sa sariling lupain, at nagbigay ng mabuting edukasyon kay Vergilius. Inibig sana ni Vergilius na maging isang manananggol, ngunit napakamahiyain nito, partikular na sa pagsasalita sa harap ng madla. Sa halip, pinagtuonan niya ng pansin ang pagiging isang makata. Noong 19 BK, pumunta sa Gresya si Vergilius. Nagkaroon siya ng lagnat habang nasa Gresya, kaya't namatay nang nakabalik na sa Roma. Ito ang dahilan kung bakit hindi niya natapos ang huli niyang akdang Aeneis.[1]

Lumabas ang kaniyang unang akdang Bucolics (Buhay ng Isang Pastol) - tinatawag ding Ecloga o Eclogues (Mga Pili, o Mga Piniling Sipi) noong may 30 taong gulang na siya. Isang pangkat ng sampung maromansang mga tula ang Ecloga na naglalaman ng mga pag-ibig at pighati ng mga pastol ng tupa at kambing, na may mga hindi makatotohanan ngunit kabigha-bighaning kayarian, isang katangiang pang-akdang nagpabantog kay Vergilius.[1]

Nasundan ang Ecloga ng mas seryoso at mas makatotohanang tulang Georgica (o Georgics, Buhay sa Bukid), na binubuo ng apat na aklat tungkol sa mga gawain ng isang magsasaka.[1]

Ang Aeneis (Ang Salaysay Ukol kay Aeneas) ang pinakahuling akda ni Vergilius, na naglalaman ng isang kuwento tungkol sa pakikipagsapalarang pangbayaning may labindalawang bahagi o "aklat." Nakabatay ang akdang ito mula sa dalawang epikong Griyegong isinulat ni Homer, ang Iliada at ang Odisea. Katulad ng Odisea ang unang hati ng Aeneas, samantalang kahawig naman ng ikalawang hati ng Aeneas ang Iliada. Subalit, sinasabing hindi naman tuwirang ginaya lamang ni Vergilius ang mga akdang ito ni Homer, bagkus pinangibabawan ni Vergilius ang mga pangyayari at mga tauhan ng Iliada at Odisea at pinaglaanan ng bago at mas malalim na mga kahulugan.[1]

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 "Vergil, Aeneid". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)