iBet uBet web content aggregator. Adding the entire web to your favor.
iBet uBet web content aggregator. Adding the entire web to your favor.



Link to original content: http://tl.wikipedia.org/wiki/Pulo_ng_mga_Museo
Pulo ng mga Museo - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Pulo ng mga Museo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Pulo ng mga Museo (Aleman: Museumsinsel) ay isang complex ng mga museo sa hilagang bahagi ng Spree sa makasaysayang puso ng Berlin. Ito ay isa sa mga pinakabinibisitang pasyalan ng kabesera ng Alemanya at isa sa pinakamahalagang lugar ng museo sa Europa. Itinayo mula 1830 hanggang 1930 sa pamamagitan ng utos ng mga Haring Pruso ayon sa mga plano ng limang arkitekto, ang Pulo ng mga Museo ay itinalagang Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO noong 1999. Binubuo ito ng Altes Museum, ang Neues Museum, ang Alte Nationalgalerie, ang Museo Bode, at ang Pergamonmuseum.[1] Dahil kasama sa Museum Island ang lahat ng Pulo ng Spree sa hilaga ng Unter den Linden, matatagpuan din ang Berliner Dom dito, malapit sa Lustgarten. Sa timog, makikita sa muling itinayong Palasyo ng Berlin ang museo Foro Humboldt at binuksan noong 2020. Mula noong muling pag-iisang Aleman, ang Pulo ng mga Museo ay itinayo muli at pinalawig ayon sa isang master plan.[2] Noong 2019, binuksan ang isang bagong sentro pambisita at galeriyang pansining, ang Galeriya James Simon.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
[baguhin | baguhin ang wikitext]