Pugo (artista)
Si Mariano Contreras o mas kilala sa pangalang Pugo, (Hulyo 12, 1910 - Disyembre 14, 1978) ay isang artista at komiko na nakilala noong dekada '30 hanggang sa dekada '60. Ang kanyang katambal sa pag-arte't pagpapatawa ay si Andres Solomon (Nobyembre 30, 1905 - Nobyembre 3, 1952) na kilala naman sa pangalang Togo.
Noong kapanahunan nila'y minsan narin silang nabansagan na " The Laurel and Hardy of the Philippines" ngunit ang kaibahan lamang ay parehas kalbo, na siyang naging pangunahin nilang mga palatandaan bilang mga komiko. Nang sumiklab ang ikalawang digmaang pandaigdig ay nagbalik sila sa pagtatanghal sa mga dulaan at bodabil at kanila ring pinalitan nila ang kanilang pangalan bilang si "Puguing at Tuguing",dahil ang "Togo" ay parang naihahalintulad sa pangalan ng punong ministro noon sa Japan na nagngangalang Hideki Tojo.
Nang matapos ang digmaa'y muli silang nagbalik sa larangan ng mga pelikula, at karamihan ng kanilang mga pelikulang ginampana'y sa istudyo ng LVN Pictures. Subalit ang kanilang tambalan na dalawa'y hindi talaga panghabambuhay sapagkat noong Nobyembre 3,1952 ay inatake sa puso si Togo, na naging sanhi ng kanyang kamatayan habang isinasapelikula nila ang pelikulang "Dalawang Sundalong Kanin" na pinagbibidahan nila Nestor De Villa at Nida Blanca. Si Togo ay 47 na taong gulang lamang. Sa pagkawala ni Togo ay nalungkot siya, sapagkat mula't sapol ay silang dalawa ang magkasama.
Ngunit nanumbalik ang kanyang ningning sa larangan ng komedya nang siya'y maitambal Kay Ben Cosca, na kilala naman sa pangalang Bentot, Kung saa'y mas nakilala siya sa Papel na Mang Nano, na mayroong anak na malaki na ngunit isip bata pa na siya namang ginagampanan ni Bentot, Ang halimbawa nga ng mga pinagtampukan nilang mga pelikula habang ginagampanan ang mga katauhang ito ay ang "Nukso ng Nukso" noong 1960, "Oh Sendang" noong 1961 at ang "Tangtarangtang" noong 1962. Si Pugo rin ang naging kapalit ni Lopito sa pagiging punong abala sa palatuntunang Tawag ng Tanghalan kasama si Patsy nang pumanaw si Lopito noong 1966.
Pumanaw si Pugo noong Disyembre 14, 1978 sa gulang na 68 anyos.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas at Artista ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.