Plutus
Itsura
Si Ploutos (Πλοῦτος, "Yaman"), karaniwang niroromanisa bilang Plutus, ay ang diyos ng yaman sa sinaunang relihiyon ng Gresya at mitolohiyang Griyego. Anak na lalaki siya ni Demeter[1] at ng demi-diyos na si Iasion, kung kanino siya humimlay sa bukiring tatlong ulit na inararo. Sa teolohiya ng Mga Misteryong Eleusiniano, itinuring siya bilang ang Batang Banal. Ang kaugnayan niya sa klasikal na pinuno ng mundong-ilalim na si Plouton (Latin: Pluto), kung kanino siya kadalasang isinasanib, ay masalimuot, dahil si Pluto ay diyos din ng mga yaman.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Karl Kerenyi, "Hindi kami nabiglang malaman na ang bunga ng kanyang pag-ibig ay si Ploutos, "mga yaman". Ano pa ba ang maaaring sumibol mula sa pagnanais ng diyosa ng mga butil? (Eleusis: Archtypal Image of Mother and Daughter (Bollingen) 1967, p 30).