Pebrero 30
Itsura
Sa ilalim ng Gregorian calendar, ang Pebrero ay naglalaman ng 28 o 29 na araw, Ngunit, tatlong beses sa kasaysayan ng mga piling bansa, nagkaroon ito ng 30 araw:
- Plinano ng Swedish realm (kasama ang Finland sa panahong iyon) na magbago ng kalendaryo mula sa Julian calendar patungong Gregorian calendar simula 1700 sa pamamagitan ng pag-alis ng mga leap day sa susunod na 40 taon. Nangangahulugang ang 1700 ay hindi leap year sa Sweden, ngunit ang 1704 at 1708 ay naging leap year taliwas sa plano. Ito ang naging dahilan kung bakit ang Swedish calendar ay nauuna ng isang araw sa Julian calendar ngunit huli pa rin ng sampung araw sa Gregorian calendar. Ang pagkakalitong ito ay nabawasan nang, noong 1712, dalawang leap day ang idinagdag, nabigyan ang taong iyon ng Pebrero 30. Ang petsa ay naitaon sa Pebrero 29 sa Julian at Marso 11 sa Gregorian. Ang pagpapalit ng mga Swedish sa Gregorian calendar ay nangyari nong 1753.
- Noong 1929, ipinakilala ng Soviet Union ang isang revolutionary calendar na kung saan ang lahat ng buwan ang mayroong 30 araw at ang natitirang 5 o 6 na araw ay naging holiday na walang buwan. Kaya noong 1930 at 1931, ito ay mayroong Pebrero 30, ngunit noong 1932 bumalik ang dating haba ng mga buwan.
Pinagkunan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- The Oxford Companion to the Year. Bonnie Blackburn & Leofranc Holford-Strevens. Oxford University Press 1999. ISBN 0-19-214231-3. Pages 98–99.
Panlabas na link
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Naturalists Almanac February 30 | February 30? Naka-arkibo 2010-10-10 sa Wayback Machine.
- 30 days in February 1712 Naka-arkibo 2012-03-03 sa Wayback Machine.
- Change of calendars - Sweden Naka-arkibo 2001-04-18 sa Wayback Machine.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Araw ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.