iBet uBet web content aggregator. Adding the entire web to your favor.
iBet uBet web content aggregator. Adding the entire web to your favor.



Link to original content: http://tl.wikipedia.org/wiki/Pío_X
Papa Pio X - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Papa Pio X

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Pío X)
San Pio X
Nagsimula ang pagka-Papa4 Agosto 1903
Nagtapos ang pagka-Papa20 Agosto 1914
HinalinhanLeon XIII
KahaliliPapa Benedicto XV
Mga orden
Ordinasyon18 Setyembre 1858
ni Giovanni Antonio Farina
Konsekrasyon20 Nobyembre 1884
ni Lucido Maria Parocchi
Naging Kardinal12 Hunyo 1893
Mga detalyeng personal
Pangalan sa kapanganakanGiuseppe Melchiorre Sarto
Kapanganakan2 Hunyo 1835(1835-06-02)
Riese, Lombardy-Venetia, Imperyong Austriyano
Yumao20 Agosto 1914(1914-08-20) (edad 79)
Palasyong Apostoliko, Roma, Kaharian ng Italya
Lagda{{{signature_alt}}}
Eskudo de armas{{{coat_of_arms_alt}}}
Kasantuhan
Kapistahan21 Agosto
3 Setyembre (Pangkalahatang Kalendaryong Romano 1955–1969)
Beatipikasyon3 Hunyo 1951
ni Papa Pio XII
Kanonisasyon29 Mayo 1954
ni Papa Pio XII
PamimintakasiArkidiyosesis ng Atlanta, Georgia; diyosesis ng Des Moines, Iowa; unang mga komunikante; Diyosesis ng Great Falls-Billings, Montana; arkidiyosesis ng Kottayam, India; mga peregrino; Santa Luċija, Malta; Diyosesis ng Springfield-Cape Girardeau, Missouri; Arkidiyosesis ng Zamboanga, Pilipinas
Iba pang mga Papa na mayroon ding pangalan na Pio

Si Papa Pio X (Latin na Eklesyastikal: Pius PP. X, Latin: Pius Decimus) (2 Hunyo 1835 – 20 Agosto 1914) na ipinanganak bilang Giuseppe Melchiorre Sarto, ay isang Italyanong pari ng Simbahang Katoliko Romano at naging ika-258 na Papa ng Simbahang Katoliko Romano na naglingkod mula 1903 hanggang 1914.[1] Isa siya sa mga santo ng Simbahang Katoliko.[2] Siya ang unang papa, mula kay Papa Pio V, na kinanonisa bilang santo. Itinakwil ni Pio X ang mga modernistang interpretasyon ng doktrinang Romano Katoliko at nagtaguyod ng mga tradisyonal na pangdebosyong mga kasanayan at teolohiyang ortodoksiya. Ang kaniyang pinakamahalagang reporma ang paglilimbag ng unang Kodigo ng Batas na Kanon na nagtipon ng mga batas ng Simbahang Katoliko Romano sa isang bolyum sa unang pagkakataon. Siya ay isang pastoral na papa na humihikayat ng personal na kabanalan at pamumuhay na nagpapakita ng mga kaugaliang Kristiyano. Siya ay ipinanganak sa bayan ng Riese na kalaunang idinagdag ang "Pio X" (pangalan ni Pio X sa Latin) sa pangalan ng bayang ito.

Maagang bahagi ng buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ipinanganak si Giuseppe Sarto noong 1835 sa Riese na nasa Kaharian ng Lombardy-Venetia. Nag-aral siya sa Pamantasan ng Padua.[3]

Naordinahan si Sarto bilang pari noong 18 Setyembre 1858.[2]

Bilang obispo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong 1884, si Sarto ay ginawang Obispo ng Mantua ni Papa Leon XIII.[3]

Bilang Kardinal

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong 1893, si Sarto ay ginawang Kardinal at Patriarka ng Venice ni Papa Leon XIII.[2]

Noong 4 Agosto 1903, nahalal si Kardinal Sarto bilang Papa; at pinili niyang tawagin bilang Pio X.[3]

Noong 1951, sumailalim siya sa beatipikasyon, na isang hakbang sa proseso ng pagpapangalan sa kaniya bilang isang santo ng Simbahang Katoliko. Nakanonisa siya bilang isang santo noong 1954.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "List of Popes," Catholic Encyclopedia (2009); nakuha noong 2011-11-02.
  2. 2.0 2.1 2.2 "Pope Pius X," Catholic Encyclopedia (2009); nakuha noong 2011-11-02.
  3. 3.0 3.1 3.2 Flinn, Frank K. et al. (2007). "Pius X," in Encyclopedia of Catholicism, p. 519.

Mga kawing na panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

May kaugnay na midya ang Pius X sa Wikimedia Commons

May koleksyon ng mga sipi ang Wikiquote sa Ingles tungkol sa paksa ng artikulong ito.
Wikisource
Wikisource
Ang Wikisource ay may orihinal na tekstong kaugnay ng lathalaing ito:
  • Herbermann, Charles, pat. (1913). "Pope Pius X" . Catholic Encyclopedia (sa wikang Ingles). New York: Robert Appleton Company.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Catholic Hierarchy, Pope Pius X
  • Cardinals of the Holy Roman Church Naka-arkibo 2011-10-30 sa Wayback Machine., Cardinal Sarto
  • Museo San Pio X
  • Fondazione Giuseppe Sarto (sa Italyano)
Sinundan:
Leo XIII
Pope
1903–1914
Susunod:
Benedict XV