iBet uBet web content aggregator. Adding the entire web to your favor.
iBet uBet web content aggregator. Adding the entire web to your favor.



Link to original content: http://tl.wikipedia.org/wiki/Negaraku
Negaraku - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Negaraku

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Negaraku

Pambansang awit ng  Malaysia
LirikoIilan, 25 Agosto 1957
MusikaPierre-Jean de Béranger (1780-1857), 31 Agosto 1957
Ginamit1957
Tunog
Negaraku

Ang "Negaraku" (FIlipino: Bayan Ko) ay ang pambansang awit ng Malaysia. Ipinili ang "Negaraku" bilang pambansang awit sa panahon ng kalayaan ng Pederasyon ng Malaya mula sa Reyno Unido noong 1957.

Orihinal na ginamit ang tugtog nito sa Allah Lanjutka Usia Sultan ("Biyayaan ng Diyos ang Mahal na Sultan"), ang pang-estadong awit ng Perak.[1] Nabigyan ng bagong buhay ang awiting ito nang mabansagáng Terang Bulan[1] (o Terang Boelan sa Bahasa Indonesia), at naging sikat na tugutgin sa mga sayawan at salu-salo noong mga dekadang '20 at '30. Hinirám para sa awit na Mamula Moon, na iniawit noong dekada '40 ng bandang "Felix Mendelssohn and his Hawaiian Serenaders". Nang kalaunan nagamit din sa isang Bangsawa (sarsuwelang Indonesia) na itinanghál sa Singapore noong 1940.

Noong 1992, iniatas ng pamahalaan ng Malaysia na baguhin ang tempo ng awit upang maging martsa. Wagas na tinutulan ito ng maraming mamamayang Malayo, at ikinutsa ang bagong pagsasaayos bilang "circus music". Iniulat noong Hulyo ng 2003 ng mamahayag sa Malaysia ang adhikain ng pamahalaan na ipagpalit ang salita at pamagát na "Negaraku" para sa "Malaysiaku". Muli itong binatikos at inayawan ng mga tao, na siyang nag-udyok sa pamahalaan na itigil ang pagbago sa pangalan ng awit. Kaakibat nito, ibinalik ang tempo ng awit sa dating, mas mabagal na pagsasaayos ng kompositor na si Wah Idris na siyang iginagamit bago ng 1992.

Malay Sulat-Jawi Literal na Tagalog[2]

Negaraku,
Tanah tumpahnya darahku,
Rakyat hidup, bersatu dan maju,
Rahmat bahagia, Tuhan kurniakan,
Raja kita, Selamat bertakhta.
Rahmat bahagia, Tuhan kurniakan,
Raja kita, Selamat bertakhta.

نڬاراكو،
تانه تومڤهڽ دارهكو
رعيت هيدوڤ، برساتو دان ماجو
رحمة بهاڬيا، توهن كورنياكن
راج كيت، سلامت برتختا
رحمة بهاڬيا، توهن كورنياكن
راج كيت، سلامت برتختا

Bayan ko,
Lupang dinanak ng dugo ko,
Liping nabubuhay, magkaisa at maunlad,
Biyaya't ligaya, Diyos ay gagawad,
Hari natin, Payapang paghahari.
Biyaya't ligaya, Diyos ay gagawad,
Hari natin, Payapang paghahari.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Unity and progress are anthem themes. The Sunday Times. August 25, 1957
  2. Mula sa Ingles sa Yang di-Pertuan Agong: The National Anthem Of Malaysia - Negaraku. Ikinuha 6 Enero 2008.

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]