iBet uBet web content aggregator. Adding the entire web to your favor.
iBet uBet web content aggregator. Adding the entire web to your favor.



Link to original content: http://tl.wikipedia.org/wiki/Mentuhotep_IV
Mentuhotep IV - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Mentuhotep IV

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Si Nebtawyre Mentuhotep IV ang huling paraon ng Ikalabingisang Dinastiya ng Ehipto. Tila siya ay nagkakasya sa isang 7 taong panahon sa Kanon na Turin kung saan ay walang naitalang hari at alam mula sa kakaunting mga inkripsiyon na nagtatala ng mga ekspedisyon sa Dagat Pula at pagtitibag ng bato para sa mga monumentong maharlika. Tila siya ay isang anak ng kanyang predesesor. Sa kabila ng pagiging wala sa talaan ng mga hari sa Abydos, ang mga inkripsiyon ay nagpapakita ng organisasyon at kabuuan ng isang malaking ekspedisyon. Ang pinuno ng ekspedisong ito sa Wadi Hammamat noong ikalawang taon ng paghahari ni Mentuhotep IV ay ang kanyang vizier na si Amenemhat na ipinagpalagay na hari sa hinaharap na si Amenemhat I na unang hari ng Ikalabingdalawang Dinastiya ng Ehipto at agarang kahalili ni Mentuhotep. Pinagpapalagay ng ma Ehiptologo na sinunggaban ni Amenemhet ang trono o umupo sa trono pagkatapos na mamatay ni Mentuhotep IV nang walang anak. Sa kasalukuyan ay walang ebidensiyang arkeolohikal o tekstuwal na nagpapatunay na si Mentuhotep ay inalis sa trono ng kanyang vizier o kanyang pinili si Amenemhat na kanyang kahalili. Ang kanyang mummy o libingan ay hindi natagpuan.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. King List (chronological)
  2. Clayton, Peter A. Chronicle of the Pharaohs: The Reign-by-Reign Record of the Rulers and Dynasties of Ancient Egypt. Thames & Hudson. p72. 2006. ISBN 0-500-28628-0