Kate Beckinsale
Marami pong problema ang artikulong ito. Tulungang mapabuti po ito o di kaya'y talakayin ang mga problemang nakasaad sa pahina ng usapan nito.
|
Kate Beckinsale | |
---|---|
Kapanganakan | Kathrin Romany Beckinsale 26 Hulyo 1973 London, England |
Nagtapos | New College, Oxford |
Trabaho | Actress |
Aktibong taon | 1991–present |
Asawa | Len Wiseman (k. 2004–19) |
Kinakasama | Michael Sheen (1995–2003) |
Anak | 1 |
Magulang |
|
Kamag-anak |
|
Si Kathrin Romany Beckinsale ay ipinanganak noong 26 Hulyo 1973. Sya ay isang artistang Ingles. Si Beckinsale ay sumikat sa mga pelikulang aksyon, romansa, at drama. Ginawa niya ang kanyang unang palabas sa pelikulang Much Ado About Nothing ni Kenneth Branagh noong 1993 habang sya ay isang estudyante sa Unibersidad ng Oxford. Nagkamit siya ng katanyagan dahil sa mga sumusunod na pelikula tulad ng Prince of Jutland noong 1994, Cold Comfort Farm noong 1995, Emma noong 1996, at The Golden Bowl noong 2000. Naging isang hamon sa kanyang sarili ang pagganap sa mga pelikula tulad ng The Last Days of Disco noong 1998, Brokedown Palace noong 1999, Pearl Harbor noong 2001, Serendipity noong 2001, Tiptoes noong 2003, The Aviator noong 2004 at Click noong 2006.
Mula nang gumanap sya bilang Selene sa mga serye ng pelikulang Underworld noong 2003 hanggang 2016, naging tanyag na si Beckinsale sa kanyang mga pangganap sa mga aksyong pelikula, kabilang ang Van Helsing noong 2004, Whiteout noong 2009, Contraband noong 2012, Total Recall noong 2012, at Jolt noong 2021. Nakamit din niya ang tagumpay sa kanyang pagganap sa mga pelikulang Snow Angels noong 2007, Nothing but the Truth noong 2008, Everybody's Fine noong 2009, Love & Friendship noong 2016, at The Only Living Boy in New York noong 2017. Gumanap din siya sa mga serye sa telebisyon na The Widow noong 2019 at serye ng Paramount+ na Guilty Party noong 2021, at kalaunan ay nagsilbi rin siyang executive producer nito.
Buhay at Edukasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Kathrin Romany Beckinsale ay isinilang noong 26 ng Hulyo 1973 sa distrito ng Chiswick sa London,[1][2] Sya ay nag-iisang anak ng mga aktor na sina Richard Beckinsale at Judy Loe.[3] Siya ay may kapatid na babae sa naunang kasal ng kanyang ama, isang aktres din na nagngangalang Samantha Beckinsale.[3] Ang kanyang ama ay may lahing Burmese.[4][5] Ang kanyang mga magulang ay hindi kasal hanggang taong 1977, Bago pa lamang magsisimula si Beckinsale sa nursery school, nang siya ay gumawa sa kanyang unang palabas sa telebisyon sa edad na apat, sa isang episode ng This Is Your Life at inihahandog nya ito para sa kanyang ama.[6] Noong siya ay limang taong gulang na, biglaang namatay ang kanyang ama dahil sa atake sa puso sa edad na 31, siya ay lubhang na-trauma sa pagkawala nito at "nagsimulang umasa sa mga masasamang bagay na maaring mangyayari."[7][3] Ang kanyang biyudang ina ay lumipat sa bahay ng direktor na si Roy Battersby noong siyam na taong gulang si Beckinsale, at pinalaki siya kasama ang apat na anak na lalaki at babae ng direktor.[8] Siya ay nagkaroon ng malapit na relasyon sa kanyang pangalawang ama,[3] na miyembro din ng Workers Revolutionary Party noong kanyang kabataan.[9] Siya ay tumulong sa pagbebenta ng diaryo na The News Line, isang Trotskyist na pahayagan, kahit isang bata lamang, sinabi na ang telepono ng kanilang bahay ay na-tap kasunod ng pagka-blacklist ni Battersby sa BBC.[9] kasama ang mga kaibigan ng pamilya na sina Ken Loach at Vanessa Redgrave.[9]
Si Beckinsale ay nag-aral sa Godolphin at Latymer School, isang independiyenteng paaralan para sa mga babae sa Hammersmith, West London, kasali din sya sa Orange Tree Youth Theater.[10] Dalawang beses siyang nagwagi ng WH Smith Young Writers Award para sa mga kategorya ng piksyon at tula [11] Inilarawan niya ang kanyang sarili bilang isang "late bloomer" dahil ayon sa kanya "lahat ng kaibigan ko ay nakikipaghalikan na sa mga lalaki at umiinom ng cider sa harap ko". Talagang nakakapanlulumo na hindi kami gumagawa ng mga campfire at lahat ay gumagawa na ng mga bagay na ganoon." Nagkaroon siya ng nervous breakdown at nagkaroon ng anorexia sa edad na labinlima,[12] at sumailalim sya sa Freudian psychoanalysis sa loob ng apat na taon.[3]
Binasa ni Beckinsale ang panitikang Pranses at Ruso sa New College, Oxford, at kalaunan ay inilarawan ng kanyang kontemporaryo na si Victoria Coren Mitchell, bilang "matalino, medyo makulit, at kaakit-akit".[13] Naging kaibigan niya ang anak ni Roy Kinnear na si Kirsty.[14] Siya ay kabilang sa Oxford University Dramatic Society, kapansin-pansin doon na sya ay sumailalim sa direksyon ng kapwa mag-aaral na si Tom Hooper sa isang produksyon ng A View from the Bridge sa Oxford Playhouse.[15] Bilang isang mag-aaral ng Modern Languages, kailangan niyang gumugol ng kanyang ikatlong taon sa ibang bansa, at nag-aral sa Paris. Kinailangan nyang tumigil sa pag-aaral upang magkaroon ng pokus at oras sa kanyang karera bilang artista: "Dumating na sa punto na hindi na ako masaya sa alinmang bagay dahil pareho silang nakaka- pressure."[3] Ipinahayag din ni Beckinsale na gusto niyang tapusin ang kanyang pag-aaral sa Oxford University.[16][17]
Karera
[baguhin | baguhin ang wikitext]1991–1997: Mga unang tungkulin sa pag-arte
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagpasya si Beckinsale sa murang edad na gusto niyang maging isang artista: "Lumaki ako sa pelikula. Ang aking pamilya ay nasa ganitong negosyo. Mabilis kong napagtanto na ang aking mga magulang ay tila mas masaya sa kanilang trabaho kaysa sa mga magulang ng aking mga kaibigan."[18] Naging inspirasyon nya ang mga pagtatanghal ni Jeanne Moreau. [19] Ginawa niya ang kanyang unana paglabas sa telebisyon noong 1991 na may maliit na bahagi lamang sa isang ITV adaptasyon ng PD James ' Devices and Desires.[20] Noong 1992, nag-bida siya kasama si Christopher Eccleston sa Rachel's Dream, isang 30-minutong maikling ere sa Channel 4,[21] at noong 1993, lumabas siya sa ITV ,isang serye na pang detektib na may pamagat na, Anna Lee, at pinagbibidahan ni Imogen Stubbs.[22]
Noong 1993, nakuha ni Beckinsale ang papel na Hero sa malaking eskren at adaptasyon ni Kenneth Branagh ng Much Ado About Nothing. Kinunan ito sa Tuscany, Italy, sa panahon ng summer holiday nila sa Oxford University.[23] Dumalo siya sa premyer ng Cannes Film Festival ng pelikula at naalala niya ito bilang isang napakalaking karanasan. "Wala man lang nagsabi sa akin na pwede akong magdala ng kaibigan!" "Nakasuot ako ng sapatos na bota ni Doc Martens, at sa palagay ko ay inilagay ko ang bulaklak mula sa tray ng almusal sa aking buhok."[24] Si Peter Travers ng Rolling Stone ay nanalo sa pamamagitan ng kanyang "kaibig-ibig" na pagganap[25] habang si Vincent Canby ng The New York Times ay nabanggit na siya at si Robert Sean Leonard ay "bagay sa isat-isa at kumikilos nang tama at may katapatan, bagaman sila ay madalas na tila manhid sa pagtataka nang marinig ang masalimuot na lokusyon na kanilang sinasalita."[26] Ang pelikula ay nakakuha ng higit sa $22 milyon sa takilya.[27] Gumawa pa siya ng tatlong iba pang mga pelikula habang nasa unibersidad. Noong 1994, lumabas siya bilang love interest ni Christian Bale sa Prince of Jutland, isang pelikulang batay sa Danish na alamat na nagbigay inspirasyon sa Shakespeare's Hamlet,[28] at nagbida din sa misteryo ng pagpatay sa pelikulang Uncovered.[29] Noong 1995, habang nag-aaral sa Paris, ginawa niya ang pelikulang Marie-Louise ou la Permission na nasa wikang Pranses.[30]
Di-nagtagal pagkatapos umalis sa Oxford University noong 1995, gumanap si Beckinsale sa Cold Comfort Farm, bilang Flora Poste, isang ulila na kabilang sa mayamang pamilya noong 1930s na ipinadala upang manirahan kasama ang malalayong kamag-anak sa kanayunan ng England. Ang pelikula ay direksyon ni John Schlesinger at isang adaptasyon ng nobela ni Stella Gibbons, itinampok dito sina Joanna Lumley, Eileen Atkins, Ian McKellen, Rufus Sewell at Stephen Fry. Si Beckinsale ay itinuring na masyadong bata para sa pelikula, ngunit na tanggap din kalaunan matapos siyang magpadala ng isang sulat pagsusumamo sa direktor.[31] Dahil dito Si Emanuel Levy ng Variety ay naalala ang "ang lakas ng isang batang si Glenda Jackson at ang kagandahan ng isang batang Julie Christie."[32] Inuri ni Kevin Thomas ng Los Angeles Times ang aktres bilang "isa sa mga walang kahirap-hirap, bihasa at napakagandang Briton na nagbibigay liwanag sa entablado"[33] Nadama ni Janet Maslin ng The New York Times na ginampanan niya ang kanyang papel na "may perpektong tiwala sa sarili."[34] Ang pelikula ay kumita ng higit sa $5 milyon sa takilya ng Estados Unidos. [35] Gayundin noong 1995, lumabas siya sa Haunted, isang kwentong multo kung saan naramdaman ni Derek Elley ng Variety na "hawak niya ang screen ng pelikula, nang may maayos na personalidad at maayos na pananalita."[36] Nakita din noong 1995 ang unang propesyonal na pagpapakita ni Beckinsale sa entablado bilang Nina sa The Seagull at Theater Royal, na Bath. Siya at ang kapwa artista na si Michael Sheen ay sinasabing naging malapit sa isat-isa pagkatapos magkasama at makilala ito sa kanilang pag-eensayo sa nasabing gawain o play.[37] Sinabi niya sa kalaunan: "Nakaramdam ako ng intimidasyon. Ito ang aking kauna-unahang dula at ang aking ina ay inalis ang mga pagsusuri ukol kanya sa mga nakaraang produksyon. Tapos bigla siyang pumasok ... Ito ay halos tulad ng, 'Diyos ko, tapos na ako. Ayun, tapos.'... Siya ang pinaka-magaling na tao na nakilala ko." Nadama ni Irving Wardle ng The Independent, kasama ang palabas na volcanic Kostya ni Michael Sheen at ang palabas ni Kate Beckinsale na Nina, ay talagang tumabo sa takilya."[38] Noong unang bahagi ng 1996, muli syang nag-bida sa dalawang karagdagang dula na may mga pamagat na; Sweetheart sa Royal Court Theater[39] at ang Clocks and Whistles sa Bush Theater.[40]
Sumunod na gumanap si Beckinsale sa isang adaptasyon ng ITV na Emma ni Jane Austen, Gumanap sya bilang Emma sa Mr Knightley ni Mark Strong at Harriet Smith ni Samantha Morton. "Hindi mo dapat basta gusto lng si Emma," sabi ni Beckinsale tungkol sa kanyang karakter. "Mahal mo siya dapat, ngunit sa paraan na ang pamilya ng isang batang babae ay maaaring magalit sa kanyang mapangahas na pag-uugali sa kabila nito mahal pa rin siya."[31] Ang programa ay ipinalabas noong taglagas ng 1996, ilang buwan lamang matapos gumanap si Gwyneth Paltrow sa isang adaptasyon ng pelikula ng parehong kuwento.[31] Naramdaman ni Caryn James ng The New York Times na ang pagganap na "Ms. Emma ni Beckinsale ay mas malinaw kaysa kay Ms. Paltrow's," Ito ay "mas kapani-paniwala at mas nakakatawa."[41] Inilarawan ni Jonathan Brown ng The Independent ang interpretasyon ni Beckinsale bilang "ang pinakamatagal at modernong pagganap" bilang Emma.[42] Noong 1997, gumanap si Beckinsale sa tapat ni Stuart Townsend sa komedya na Shooting Fish, isa sa pinakamatagumpay na komersyal na pelikulang British noong taong iyon.[43][44] "Kakalabas pa lang ng wisdom teeth ko," paggunita ni Beckinsale sa paunang audition. "Uminom ako ng napakalakas na gamot na pangpawala ng sakit, kaya hindi ito karaniwang pagpupulong."[45] Sinulat ni Elley ang "isang hindi kapani-paniwalang ngunit kalmado na pagganap"[46] habang nadama ni Thomas na siya ay "nagningning bilang isang aristokrata na humaharap sa sakuna nang may malaking kagalakan at tiwala sa sarili."[47] Isinalaysay niya ang Emma ni Austen para sa Hodder; Stoughton AudioBooks at The Proposal ni Diana Hendry para sa BBC Radio 4.[48][49] Noong 1997 din, gumanap sya bilang Juliet sa pelikulang Romeo ni Michael Sheen, isa itong AudioBook sa produksyon ng Romeo at Juliet, sa ilalim ng direksyon ni Sheen.[50]
Bago sya tuluyang lumipat Estados Unidos, gumanap siya bilang si Alice sa Alice through the Looking-Glass ng Channel 4, na inilabas noong Hulyo 1998.[51]
1998–2002: Ang paglipat sa Hollywood
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa puntong ito ng kanyang karera, nagsimula siyang maghanap ng trabaho sa Estados Unidos, isang bagay na sinabi niya ay hindi "isang mulat na desisyon... Ang aking kasintahan ay nasa isang dula sa Broadway kaya iyon ang dahilan kung bakit kami napadpad sa New York, at nagkataon na ang aking mga audisyon ay para sa mga pelikulang Amerikano."[52] Nag-bida siya kasama ni Chloë Sevigny noong The Last Days of Disco noong 1998. Nakatuon ang pelikulang Whit Stillman sa isang grupo ng mga nagtapos sa Ivy League at Hampshire College na nakikisalamuha sa eksena sa mga disko ng Manhattan noong unang bahagi ng 1980s. Ang Amerikaong aksent ni Beckinsale ay malawak na pinuri.[53][54][55] Nadama ni Kenneth Turan ng Los Angeles Times ang kanyang papel bilang ang bossy na si Charlotte ay "nagampanan ng maganda."[56] Si Todd McCarthy ng Variety ay hindi naman nabighani sa kabuoang pelikula ngunit binanggit na "ang pagganap ni Beckinsale sa serye ng black dresses ay tunay na nakakainis at nakakagalit kahit hndi naman talaga sya ganoon sa totoong buhay."[57] Ang kanyang pagganap dito ay naging dahilan upang manalo sya ng London Critics' Circle Film Award.[58] Ang pelikula ay kumita ng $3 milyon sa buong mundo.[59]
Noong 1999, gumanap si Beckinsale kasama si Claire Danes sa Brokedown Palace, isang drama tungkol sa dalawang kabataang Amerikano na napilitang harapin ang sistema ng hustisya ng Thailand kasabay ng kanilang paglalakbay sa ibang bansa matapos ang kanilang pagtatapos sa eskwela. Isang 26-anyos na Beckinsale ang gumanap bilang isang batang babae.[60] Inaasahan ni Danes na maging kaibigan si Beckinsale habang ginagawa ang pelikula ngunit nadiskubre nyang ito "komplikado" at "mahirap pakisamahan."[61] Sinabi ni McCarthy na ang mga artistang ito ay "kumpirmadong magagaling at pinatunayang epektibo at pinaka-karapat-dapat na panoorin," Napatunayan na si Beckinsale ay "napaka-epektibo sa pagganap sa magkakaibang mga katangian ng karakter at emosyon."[62] "Si Danes at Beckinsale ay napakahusay na mga batang aktres," sabi ni Thomas, ngunit "sa kasamaang-palad, ang napakagandang konteksto ng eskrip ay natalo ang kanilang malaking pagsisikap sa bawat pagkakataon."[63] Nadama ni Stephen Holden ng The New York Times na ang karakter ni Beckinsale ay "hindi nabigyan pokus."[64] Ang pelikula ay isang kabiguan sa takilya.[65]
Ang Golden Bowl noong 2000 ay minarkahan ang unang papel ni Beckinsale pagkatapos ng kapanganakan ng kanyang anak na babae. Ang produksyon ng Merchant/Ivory ay batay sa nobela ni Henry James at pinagbidahan din nina Uma Thurman at Jeremy Northam. Ang ka partner ni Beckinsale, na si Michael Sheen, ay sinaktan si Northam sa set ng pelikula pagkatapos niyang sundan si Beckinsale sa kanyang trailer upang pagalitan siya dahil sa pagkalimot sa isang linya.[66] Sinabi ni Holden na "ang pinaka-kasiya-siya sa apat na lead na pagtatanghal ay kabilang sa mga miyembro ng cast ng British, si Ms. Beckinsale at Mr. Northam, na mas mahusay kaysa sa kanilang mga katapat na Amerikano sa mga layer ng emosyonal na pagtatago," ang bawat pagganap ni Beckinsale ay "eksaktong nagrerehistro."[67] Nadama ni Thomas na dadalhin siya ng kanyang pagganap sa "bagong antas ng karera."[68] Andrew Sarris ng The New York Observer ay iginiit na "malapit na niyang makuha ang kadakilaan ni Maggie, sa kabila ng malinaw na katotohanang walang pelikula ang makakapagbigay ng eleganteng kasaganaan ng prosa ni James."[69] Ang pelikula ay nakakuha ng higit sa $5 milyon sa buong mundo.[70]
Sumikat si Beckinsale noong 2001 sa kanyang pagganap sa pelikula patungkol sa digmaan na Pearl Harbor, bilang isang nars na nabighani sa dalawang piloto (ginampanan nina Ben Affleck at Josh Hartnett). Naakit siya sa proyekto sa pamamagitan ng script: "Ito ay napakabihirang sa mga araw na ito na magbasa ng isang eskrip na may mga makalumang tema. Hindi moral, ngunit mga halaga ng pelikula. Ito ay isang malaki at nakamamanghang epiko...Hindi ka na magkaroon ng pagkakataon na gawin iyon."[71] Ang direktor na si Michael Bay sa una ay may mga pagdududa tungkol sa pag-ganap ng aktres: "Hindi ako sigurado sa kanya noong una...nakasuot siya ng itim na leather na pantalon sa kanyang screen test at naisip ko na siya ay medyo makulit...madaling isipin na slut ang babaeng ito."[72] Sa kalaunan ay nagpasya siyang kunin siya dahil hindi siya "masyadong kagandahan". Naiistorbo ang mga babae kapag nakikita nilang napakaganda ng isang tao."[73] Hiniling niya sa kanya na magbawas ng timbang sa habang ginagawa nila ang pelikula.[74] Sa isang panayam noong 2004, binanggit ng aktres na ang kanyang mga komento ay "nakakainis"[75] at sinabing nagsuot siya ng pantalong leather dahil "panahon ng tag yelo. Ang mga pangyayaring ito ay hindi ko inaasahan at wala sa plano."[76] Nadama niya ang pasasalamat na hindi niya kinailangan ang gayong mga pagpuna sa murang edad: "Kung nakapunta ako sa isang set ng pelikula sa [mas bata] edad at may nagsabi, 'Medyo nakakatawa ka, maaari ka bang mag-papayat?' – Baka tumalon na ako sa isang gusali. Wala lang akong kumpiyansa na ilagay iyon sa pananaw noong panahong iyon."[72] Gayunpaman, sa pagsasalita noong 2011, sinabi niya na siya ay "napakagusto" na din kay Bay.[77]
Nakatanggap ang Pearl Harbor ng mga negatibong pagsusuri. Pinuri ni Owen Gleiberman ng Entertainment Weekly "ang kanyang mga mata (kung paano sya tumingin o tumitig, ang mapupulang labi ni Kate Beckinsale, ay isang bibihirang aktres na ang katalinuhan at ito ay nagbibigay sa kanya ng kakaibang kagandahan; para siyang si Parker Posey na walang kabalintunaan."[78] Nabanggit ni A. O. Scott ng The New York Times na sina "Mr. Affleck at Ms.Beckinsale ay ginawa ang lahat ng kanilang makakaya sa pabibitiw ng kanilang mga linya, upang mas kuminang bilang mga tunay na bida sa pelikula."[79] Gayunpaman, nadama ni Mike Clark ng USA Today na ang "karaniwang nakakaakit na si Kate Beckinsale" ay "hindi inaasahang lalagyan ng makapal na kolorete sa mukha - tulad ng kanyang mga kasamahan sa ospital - sapagkat kahit na ang mga artista noong panahon ay hindi naman gumagamit ng ganoon."[80] Ang pelikula ay isang komersyal na tagumpay, na kumita ng $449 milyon sa buong mundo.[81]
Ang pangalawang pelikula ni Beckinsale noong 2001 ay nasa romantikong komedya na Serendipity, bilang love interest ni John Cusack. Direkta itong kinunan pagkatapos ng Pearl Harbor at napagtanto ni Beckinsale na "Ito'y totoong kaluwagan na bumalik sa paggawa ng isang bagay na bahagyang mas pamilyar sa kanya."[52] Pinuri ni Turan ang "kaakit-akit at kapani-paniwala" na pagganap ng mga artista, at idinagdag na si Beckinsale ay "nagpapatibay sa malakas na impresyon na ginawa niya sa Cold Comfort Farm, The Golden Bowl, at The Last Days of Disco " pagkatapos "magaling na makabawi" mula sa kanyang hitsura sa Pearl Harbor.[82] Nadama ni Claudia Puig ng USA Today na "Ang mga talento at potensyal ni Beckinsale ay hindi pa naging epektibo sa anumang iba pang pelikula mula noong Cold Comfort Farm."[83] Nakita ni McCarthy si Beckinsale bilang isa sa "masigla at kaakit-akit" na aktres.[84] habang inilarawan siya ni Elvis Mitchell ng The New York Times bilang "maliwanag at determinado."[85] Sa isang hindi komplimentaryong pagsusuri ng pelikula, inilarawan siya ni Roger Ebert bilang "isang magaling na artista, ngunit hindi sapat upang gampanan ito."[86] Ang pelikula ay nakakuha ng higit sa $77 milyon sa pandaigdigang takilya.[87]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Civil Registration: Birth Registered in July, August and September 1973". FreeBMD.org.uk. Free UK Genealogy CIO. Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Hunyo 2022. Nakuha noong 2 Abril 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Births, Marriages & Deaths Index of England & Wales, 1916–2005 (kailangan ang suskripsyon)
- ↑ 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 3.5 Lawrence, Janie (5 Abril 1997). "Facing up to the past". The Independent. London. Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Enero 2012. Nakuha noong 5 Oktubre 2011.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Richard Beckinsale | Richard Arthur Beckinsale | English Actor 1947 to 1979". 2 Abril 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Abril 2010. Nakuha noong 10 Mayo 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Mitchison, Amanda (25 Abril 2004). "Beast in the beauty". Telegraph Magazine. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Oktubre 2010. Nakuha noong 28 Hulyo 2010.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Kate talks about dad Richard Beckinsale (UK interview)". Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Oktubre 2013. Nakuha noong 5 Oktubre 2011 – sa pamamagitan ni/ng YouTube.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Celebrity Central: Kate Beckinsale". People. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Setyembre 2011. Nakuha noong 5 Oktubre 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Wheatley, Jane (26 Abril 2007). "A weight off her mind: Kate Beckinsale". The Times. London, England. Nakuha noong 5 Oktubre 2011.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ 9.0 9.1 9.2 Patterson, John (19 Mayo 2016). "Kate Beckinsale: 'Our phones were tapped by spooks when we were growing up'". London, England. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Hunyo 2016. Nakuha noong 3 Hunyo 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "London Calling". American Way. Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Setyembre 2011. Nakuha noong 5 Oktubre 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Kate Beckinsale: English pearl". BBC News. 1 Hunyo 2001. Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Hulyo 2016. Nakuha noong 3 Hunyo 2016.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Hiscock, John (15 Setyembre 2006). "I used to get my dad confused with God". Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Agosto 2018. Nakuha noong 29 Agosto 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Coren, Victoria (9 Enero 2005). "God bless Kate – better late than never". The Observer. London. Inarkibo mula sa orihinal noong 21 Disyembre 2013. Nakuha noong 5 Oktubre 2011.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Giles, Kayleigh (22 Disyembre 2016). "Kate Beckinsale recalls father's 'soul-destroying' death as she jokes of 'dead dads' club'". Daily Express. Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Agosto 2018. Nakuha noong 30 Agosto 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "AWFJ Women On Film – Tom Hooper On "The Damned United"". Alliance of Women Film Journalists. 24 Setyembre 2009. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Marso 2012. Nakuha noong 5 Oktubre 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Kate Beckinsale is thinking about finishing her degree at Oxford University". uk.style.yahoo.com. 29 Hulyo 2021. Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Setyembre 2022. Nakuha noong 30 Setyembre 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Treatment, Hollywood (29 Hulyo 2021). "Kate Beckinsale is thinking about finishing her degree at Oxford University". Hollywood Treatment (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Setyembre 2022. Nakuha noong 30 Setyembre 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Exclusive Interview with Kate Beckinsale". Festival de Cannes. 15 Mayo 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Abril 2012. Nakuha noong 6 Oktubre 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Scott, Mathew. "Kate Beckinsale". Prestige Hong Kong. Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Hunyo 2012. Nakuha noong 21 Agosto 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Devices and Desires". AMC. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Abril 2012. Nakuha noong 6 Oktubre 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Rachel's Dream". The History Files. Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Abril 2012. Nakuha noong 6 Oktubre 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Anna Lee: Headcase". Turner Classic Movies. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Hunyo 2013. Nakuha noong 6 Oktubre 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "nothing-but-the-truth"/ "Interview: Kate Beckinsale Gives "Nothing But The Truth"". N:Zone. Nakuha noong 6 Oktubre 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Kate Beckinsale's Red Carpet-Ready Routine". People. Inarkibo mula sa orihinal noong 13 Pebrero 2012. Nakuha noong 6 Oktubre 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Travers, Peter (7 Mayo 1993). "Much Ado About Nothing". Rolling Stone. Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Setyembre 2011. Nakuha noong 6 Oktubre 2011.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Canby, Vincent (7 Mayo 1993). "A House Party of Beatrice, Benedick and Friends". The New York Times. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Mayo 2012. Nakuha noong 6 Oktubre 2011.
{{cite news}}
:|archive-date=
/|archive-url=
timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Much Ado About Nothing (1993)". Box Office Mojo. 27 Hulyo 1993. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Abril 2011. Nakuha noong 19 Mayo 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Brennan, Sandra (2010). "Royal Deceit". Movies & TV Dept. The New York Times. Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Marso 2010. Nakuha noong 6 Oktubre 2011.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Fountain, Clarke (2010). "Uncovered". Movies & TV Dept. The New York Times. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Agosto 2010. Nakuha noong 6 Oktubre 2011.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Marie-Louise Ou La Permission". Pure Ciné. Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Hunyo 2010. Nakuha noong 6 Oktubre 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 31.0 31.1 31.2 Lyall, Sarah (16 Pebrero 1997). "The Other Emma Confidently Makes Her Case". The New York Times. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Setyembre 2013. Nakuha noong 6 Oktubre 2011.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Levy, Emanuel (20 Hunyo 1995). "Cold Comfort Farm". Variety. Nakuha noong 6 Oktubre 2011.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Thomas, Kevin (10 Mayo 1996). "Inspired Comedy, Charm at 'Cold Comfort Farm'". Los Angeles Times. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Hulyo 2012. Nakuha noong 6 Oktubre 2011.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Maslin, Janet (10 Mayo 1996). "Country Cousins, Feudal And Futile". The New York Times. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Setyembre 2013. Nakuha noong 6 Oktubre 2011.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Cold Comfort Farm (1996)". Box Office Mojo. 24 Mayo 1996. Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Setyembre 2011. Nakuha noong 19 Mayo 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Elley, Derek (13 Nobyembre 1995). "Haunted". Variety. Nakuha noong 6 Oktubre 2011.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Kate Beckinsale, Serendipity Interview". Dealmemo. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Mayo 2002. Nakuha noong 6 Oktubre 2011.
{{cite web}}
:|archive-date=
/|archive-url=
timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Wardle, Irving (16 Abril 1995). "Even truer West". The Independent. London. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Setyembre 2012. Nakuha noong 6 Oktubre 2011.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Taylor, Paul (6 Pebrero 1996). "Theatre Sweetheart Royal Court, London". The Independent. Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Setyembre 2012. Nakuha noong 6 Oktubre 2011.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Taylor, Paul (3 Abril 1996). "Theatre Clocks and Whistles the Bush, London". The Independent. Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Disyembre 2012. Nakuha noong 6 Oktubre 2011.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ James, Caryn (15 Pebrero 1997). "An 'Emma' Both Darker And Funnier". The New York Times. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Nobyembre 2012. Nakuha noong 6 Oktubre 2011.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Brown, Jonathan (22 Oktubre 2009). "Has the costume drama had its day?". The Independent. London. Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Nobyembre 2012. Nakuha noong 6 Oktubre 2011.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Lister, David (29 Mayo 1997). "British film-maker returns pounds 1m lottery grant as he hits jackpot at box office". The Independent. London. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Setyembre 2012. Nakuha noong 6 Oktubre 2011.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ McCann, Paul (9 Disyembre 1997). "EU presidency fuels push for jobs". The Independent. London. Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Disyembre 2012. Nakuha noong 6 Oktubre 2011.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Grant, Brigit (16 Oktubre 1997). "Kate beats teeth agony to hook role". The Mirror. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Setyembre 2013. Nakuha noong 6 Oktubre 2011.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Elley, Derek (1 Setyembre 1997). "Shooting Fish". Variety. Nakuha noong 6 Oktubre 2011.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Thomas, Kevin (1 Mayo 1998). "Caught Up in Overly Complicated 'Fish'". Los Angeles Times. Inarkibo mula sa orihinal noong 13 Setyembre 2011. Nakuha noong 6 Oktubre 2011.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ BBC Radio 4 (27 Pebrero 1997). "Short Story: The Proposal". BBC Genome. Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Agosto 2018. Nakuha noong 29 Agosto 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Kate Beckinsale's Biography". World of Celebs. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Abril 2012. Nakuha noong 11 Oktubre 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Romeo and Juliet (unabridged)". Naxos. Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Setyembre 2011. Nakuha noong 6 Oktubre 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Zoe Jaques, Eugene Giddens, Lewis Carroll's Alice's Adventures in Wonderland and Through the Looking-Glass: A Publishing History (Routledge, 2016), p. 257
- ↑ 52.0 52.1 "Serendipity interview". BBC. Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Setyembre 2013. Nakuha noong 6 Oktubre 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Schwarzbaum, Lisa (5 Hunyo 1998). "The Last Days of Disco". Entertainment Weekly. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Oktubre 2012. Nakuha noong 6 Oktubre 2011.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Maslin, Janet (29 Mayo 1998). "Night Life of the Young, Urban and Genteel". The New York Times. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Setyembre 2012. Nakuha noong 6 Oktubre 2011.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Hunter, Stephen. "Disco's Last Dance: Whit Stillman Dips Into the Caldron of Hedonism". The Washington Post. Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Agosto 2011. Nakuha noong 6 Oktubre 2011.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Turan, Kenneth. "Hearts of Glass at the 'Disco'". Los Angeles Times. Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Agosto 2011. Nakuha noong 6 Oktubre 2011.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ McCarthy, Todd (25 Mayo 1998). "The Last Days of Disco". Variety. Nakuha noong 6 Oktubre 2011.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Kate Beckinsale: Biography". Talk Talk. Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Oktubre 2012. Nakuha noong 11 Oktubre 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "The Last Days of Disco (1998)". Box Office Mojo. 26 Hunyo 1998. Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Oktubre 2012. Nakuha noong 19 Mayo 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Chase, Donald (24 Mayo 1998). "Shoulda Taken the Summer Job". Los Angeles Times. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Hulyo 2012. Nakuha noong 6 Oktubre 2011.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Spines, Christine (Oktubre 1998). "Hey, Nineteen". Premiere. Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Hunyo 2011. Nakuha noong 6 Oktubre 2011.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ McCarthy, Todd (12 Agosto 1999). "Brokedown Palace". Variety. Nakuha noong 6 Oktubre 2011.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Thomas, Kevin (13 Agosto 1999). "Excitement Gets Waylaid in a Trip to 'Brokedown Palace'". Los Angeles Times. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Hulyo 2012. Nakuha noong 6 Oktubre 2011.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Holden, Stephen (13 Agosto 1999). "No Pool and No Room Service, Among Other Things". The New York Times. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Mayo 2011. Nakuha noong 6 Oktubre 2011.
{{cite news}}
:|archive-date=
/|archive-url=
timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Brokedown Palace (1999)". Box Office Mojo. 28 Agosto 2002. Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Abril 2012. Nakuha noong 19 Mayo 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Pearl Harbor interview". Culture. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Nobyembre 2011. Nakuha noong 6 Oktubre 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Holden, Stephen (27 Abril 2001). "All the Sensibility That Money Can Buy". The New York Times. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Setyembre 2013. Nakuha noong 6 Oktubre 2011.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Thomas, Kevin (27 Abril 2001). "'Golden Bowl' Is a Gilded Affair". Los Angeles Times. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Enero 2012. Nakuha noong 6 Oktubre 2011.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Sarris, Andrew (30 Abril 2001). "Henry James' Americans Shop for Love and Art Abroad". The New York Observer. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Hunyo 2012. Nakuha noong 6 Oktubre 2011.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "The Golden Bowl (2001)". Box Office Mojo. 28 Agosto 2002. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Enero 2012. Nakuha noong 19 Mayo 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Baskin, Ellen (6 Mayo 2001). "An Epic Turn". Los Angeles Times. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Hulyo 2012. Nakuha noong 6 Oktubre 2011.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 72.0 72.1 Rose, Tiffany (17 Disyembre 2004). "No fear of flying". The Independent via nzherald.co.nz. London. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Abril 2023. Nakuha noong 11 Marso 2021.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Bay Watch". Movieline. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Disyembre 2011. Nakuha noong 14 Oktubre 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Pomerantz, Dorothy (22 Hunyo 2009). "Michael Bay: Making Movies, Enemies and Money". Forbes. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Mayo 2016. Nakuha noong 14 Oktubre 2011.
{{cite news}}
:|archive-date=
/|archive-url=
timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Beckinsale Blasts Insensitive Pearl Harbor Director". Teen Hollywood. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Mayo 2012. Nakuha noong 14 Oktubre 2011.
{{cite web}}
:|archive-date=
/|archive-url=
timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ O'Toole, Lesley (10 Disyembre 2004). "What our 'pearl' Katy did next". London Evening Standard. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Mayo 2013. Nakuha noong 14 Oktubre 2011.
{{cite news}}
:|archive-date=
/|archive-url=
timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Cohen, David S. (10 Mayo 2011). "Bay directs with tough love". Variety. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Agosto 2011. Nakuha noong 14 Oktubre 2011.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Gleiberman, Owen (25 Mayo 2001). "Pearl Harbor". Entertainment Weekly. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Setyembre 2011. Nakuha noong 6 Oktubre 2011.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ A.O. Scott (25 Mayo 2001). "War Is Hell, but Very Pretty". The New York Times. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Setyembre 2013. Nakuha noong 6 Oktubre 2011.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Clark, Mike (7 Hunyo 2001). "'Pearl Harbor' sputters until Japanese show up". USA Today. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Mayo 2011. Nakuha noong 6 Oktubre 2011.
{{cite news}}
:|archive-date=
/|archive-url=
timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Pearl Harbor (2001)". Box Office Mojo. 22 Hulyo 2001. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Hulyo 2011. Nakuha noong 19 Mayo 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Turan, Kenneth (5 Oktubre 2001). "A Lightweight Search for Love in 'Serendipity'". Los Angeles Times. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Hulyo 2012. Nakuha noong 6 Oktubre 2011.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Puig, Claudia (4 Oktubre 2001). "Actors' charms overcome 'Serendipity' snags". USA Today. Nakuha noong 6 Oktubre 2011.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ McCarthy, Todd (13 Setyembre 2001). "Serendipity". Variety. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Nobyembre 2012. Nakuha noong 6 Oktubre 2011.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Mitchell, Elvis (5 Oktubre 2001). "A Love Made in Heaven (Actually, a Sweet Shop)". The New York Times. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Setyembre 2013. Nakuha noong 6 Oktubre 2011.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ebert, Roger (5 Oktubre 2001). "Serendipity". Chicago Sun-Times. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Nobyembre 2011. Nakuha noong 6 Oktubre 2011.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Serendipity (2001)". Box Office Mojo. 28 Agosto 2002. Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Oktubre 2014. Nakuha noong 19 Mayo 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)