Jemaah Islamiyah
Itsura
Ang Jemaah Islamiah (Arabic: الجماعة الإسلامية, al-Jamāʿat ul-Islāmíyatu na nangangahulugang "Islamic Congregation" o pinaikling JI), ay isang militanteng Islamikong organisasyon sa Timog Silangang Asya na naguukol ng panahon sa pagtatag ng isang Daulah Islamiya (Pangrehiyong Islamikong kalipato) sa Timog Silangang Asya kabilang ang Indonesia, Malaysia, Katimugang Pilipinas, Singapore at Brunei. Ang grupong ito ay idinagdag sa United Nations 1267 Committee's list of terrorist organizations na may kaugnayan sa al-Qaeda o Taliban noong 25 Oktubre 2002 sa ilalim ng UN Security Council Resolution 1267.