iBet uBet web content aggregator. Adding the entire web to your favor.
iBet uBet web content aggregator. Adding the entire web to your favor.



Link to original content: http://tl.wikipedia.org/wiki/Hawaiian_language
Wikang Hawayano - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Wikang Hawayano

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Hawaiian language)
Hawayano
ʻŌlelo Hawaiʻi
RehiyonHawaiʻi: nakasentro sa pulo ng Niʻihau at Hawaiʻi, ngunit may mga tagapagsalita sa Kapuluang Hawayano at ng Estados Unidos
Pangkat-etnikoMga katutubong Hawayano
Mga natibong tagapagsalita
2,000 (1997)[1] hanggang 24,000+ (2006-2008)[2]
Latin (Alpabetong Hawayano)
Opisyal na katayuan
Hawaiʻi (kasama ng Ingles)
kinikilala bilang wika ng menoridad sa ilang bahagi ng:
Estados Unidos
Mga kodigong pangwika
ISO 639-2haw
ISO 639-3haw
ELPHawaiian

Ang wikang Hawayano[3] (Hawayano: ʻŌlelo Hawaiʻi) ay isang katutubong wikang Awstronesyo (parehong pamilya ng wikang Tagalog) ng mga katutubong tao ng Kapuluan ng Haway at Polinesya. Opisyal na wika itong lengguwahe, kasama ang Ingles, sa Estado ng Haway. Ang wikang Hawayano ay importanteng parte ng Hawayanong kultura, musika, at iba pa, ngunit sa pribadong islang Niʻihau lamang ginagamit ang wikang ito araw-araw. Huwag ilito ang wikang Hawayano sa Kreyol ng Hawaiʻi na hango sa wikang Ingles.

Wikipedia
Wikipedia


Mga Salitang Espiritwal

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Hawayano ay espiritwal na lengguwahe, at puno siya ng mga salitang espiritwal. Mga halimbawa ay:[4]

salita ibig sabihin
akua diyos, diyosa, espiritu, parang katulad sa Hapong kami
hiwa gustong kaitiman, katulad ng itim na baboy na inaambag sa mga diyos
kahuna pastor, salamangkero, mahiko, pari
laʻa sagrado, banal
Nāmū mga maliliit na espiritu, mga silente
Nāwā mga maliliit na espiritu, mga maingay
ʻuhane anito, espiritu

Nasa loob nang / / ang ponema sa IPA. Ang grapemo ay nasa loob nang < >.

<p k ʻ h l m n w>

/p k ʔ h l m n w/

Ang ʻokina <ʻ> ay espesyal na letra, na sa Unicode ay sa heksadesimal na kodong 02BB. Itong letra ay may tunog ng glotalisasyon /ʔ/, katulad ng gitna ng dalawang <a> sa <saan> sa Tagalog /saˈʔan/.

Ang tunog[5] ng <w>:

  • pagkatapos ng <i> o <e> ay malimit nang /v/;
  • pagkatapos ng <u> o <o> ay malimit nang /w/;
  • sa kaunahan ng salita o pagkatapos ng <a> ay tunog nang /v/ o /w/.

<a ā e ē i ī o ō u ū>

/a aː e eː i iː o oː u uː/

May maikli at mahabang bersiyon ng bawat patinig. Ang /a/ ay may mga varyant nang [æ⁓a⁓ɐ⁓ə]. Ang /e/ ay may mga varyant nang [ɛ⁓e/i].

<ae ai ao au ei eu iu oi ou>

/ae aj ao aw ej ew ju oj ow/

<oe> ay hindi diptonggo, ngunit may tunog nang /owe/.

Ang salitang Hawayano ay may isa o higit sa isang parteng salitang may aksentong may patinig [V], o may patinig [V] at katinig [K]:

parteng salitang may aksento halimbawa lugar ng aksento
(K)VKV ahi, kahi penultimong silaba
(K)V(K)V(V)KV uahi, aloha, huali, kakahi, Hawaiʻi penultimong silaba
(K)VV ai, wai, ā, nā sa diptonggo o sa mahabang patinig
(K)V(K)VV uai, uhai, kuai, wawai, iā, inā, huā sa diptonggo o sa mahabang patinig

Ang mga dalubwika at mga espesyal na diksiyonaryo'y gumagamit ng puntong <.> para ihiwalay ang mga parteng salitang may aksento, ngunit sa malimit na baybay ay hindi ginagamit.

May dausdos na katinig bilang /j/ at /w/ sa gitna ng mga patinig sa parteng salita. Halimbawa, ang parteng salitang <huali> ay bigkas nang /huˈwali/; ang parteng salitang <iā> ay bigkas nang /iˈjaː/.

Mga halimbawa ng mga kompletong salita:

salita bigkas ibig sabihin
kana.kē ʻele.ʻele /ˈkana.ˈkeː ˈʔele.ˈʔele/ regaliz, licorice
haili.moa /ˈhajli.ˈmowa/ tipo ng shell
ipu.kukui /ˈipu.kuˈkuwi/ lampara

Orden ng Pangungusap

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Hawayanong pangungusap ay malimit na may orden nang VSO: Berbo-Sabjek-Objek, katulad sa Tagalog na <Kumakain ang pusa ng isda>.

Aspekto, Tens, Modo

[baguhin | baguhin ang wikitext]
salita ibig sabihin
ua berbo perpektong aspekto
ʻaʻole i berbo negatibong perpektong aspekto
e berbo ana imperpektong aspekto
ʻaʻole e berbo ana negatibong imperpektong aspekto
ke berbo nei presenteng tens
ʻaʻole e berbo nei negatibong presenteng tens
e berbo imperatibong modo
mai berbo negatibong imperatibong modo

ʻO ia ke kahuna.
Siya ay ang salamangkero.

He kahuna kē.lā.
Salamangkero iyon.

Ua ʻai ke kanaka i nā kowa.ū.
Kumain ang tao ng mga itlog ng isda.

E ʻai ʻoe i nā kowa.ū.
Kainin mo ang mga itlog ng isda.

ʻAʻole i ʻai ʻoe i ka maiʻa.
Hindi mo kinain ang saging.

Ke hia.moe nei ʻo Pili.
Natutulog si Pili.

ʻAʻole e hia.moe nei ʻo Pili.
Hindi natutulog si Pili.

  1. Lyovin (1997:258)
  2. U.S. Census (2010)
  3. Panganiban, Jose Villa. (1969). "Hango sa Haway". Concise English-Tagalog Dictionary.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Pukui, Mary Kawena, & Elbert, Samuel H. Hawaiian Dictionary, Revised and Enlarged Edition. Honolulu, Hawaiʻi, USA: University of Hawaiʻi Press, 1986.
  5. Pukui, Mary Kawena, & Elbert, Samuel H. Hawaiian Grammar. USA: University of Hawaiʻi Press, 1979.

Wika Ang lathalaing ito na tungkol sa Wika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.