iBet uBet web content aggregator. Adding the entire web to your favor.
iBet uBet web content aggregator. Adding the entire web to your favor.



Link to original content: http://tl.wikipedia.org/wiki/Federicus
Federicus - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Federicus

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Federicus
Kaganapang Federicus noong 2017 sa Lungsod ng Altamura, Italya
KatayuanAktibo
GenreMakasaysayang kaganapan
(Mga) Petsa(s)Abril o Mayo
DalásTaun-taon
PinagdarausanMakasaysayang sentro ng Lungsod ng Altamura
LokasyonAltamura
BansaItalya
Pinasinayaan2012
Nakaraang kaganapan23 Abril 2016 (2016-04-23) - 25 Abril 2016 (2016-04-25)[1]
Susunod na kaganapan28 Abril 2017 (2017-04-28) - 1 Mayo 2017 (2017-05-01)[kailangan ng sanggunian]
Inorganisa ngAssociazione Fortis Murgia
GAL Terre di Murgia[2]
Website
Opisyal na websayt

Ang Federicus ( /ˌfɛdəˈrɪkʊs/ ; Italyano: [fedeˈriːkus] ) ay isang makasaysayang kaganapan ng pagsasadula na nagaganap taun-taon sa makasaysayang sentro ng lungsod ng Altamura, Italya. Ang pangalan nito ay nagmula sa pangalang Latin ni haring Frederick II, na nagtatag sa lungsod ng Altamura at kalaunan, ito ang nagbigay inspirasyon sa pagkabuo ng kaganapan. Kabilang sa ilang mga aktibidad ang muling pagganap ng parada ng pagbibisita ni Frederick II (kasama ang kanyang mga tauhan) sa lungsod ng Altamura. Karaniwang ipinagdidiriwang ang kaganapan sa ikalawang bahagi ng Abril, at karaniwang tumatagal ito ng tatlong araw.

Ang kaganapan ay nagsimula noong 2012 sa pamamahala ng asosasyong Italyano na Fortis Murgia, at mula noon ay paulit-ulit itong isinasagawa taun-taon. Naakit ang maraming turista na karamihan mula sa ibang mga rehiyon ng Italya at mula rin sa ibang bansa. Ang mga paaralan ng Altamura ay sinasara rin sa panahon ng kaganapan, karamihan ay upang payagan ang mga mag-aaral na tumulong sa darating na pagdiriwang.

Mga nakaraang pista ng Federicus
Taon Petsa Tema
2012 ---
2013 19 Abril - 5 Mayo
2014 25–27 Abril Fede, laicità e superstizione ( pananampalataya, sekularismo at pamahiin )
2015 1-3 Mayo
2016 23-25 Abril Superstizione ( pamahiin )
2017 28 Abril - 1 Mayo Le donne e 'cavalier (pamagat na kinuha mula sa Banal na Komedya )
2018 28 Abril - Mayo 1 Li affanni (pamagat na kinuha mula sa Banal na Komedya )
2019 25 Abril - 28 Abril Li agi (pamagat na kinuha mula sa Banal na Komedya )
2020 1 Mayo - 3 Mayo (nakansela dahil sa COVID-19) Che fu d'onor sì degno (pamagat na kinuha mula sa Banal na Komedya ) [3]

Mga Sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang altamuralife_4); $2
  2. "La Festa - Federicus". Federicus.it. Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Mayo 2017. Nakuha noong 11 Enero 2018. {{cite web}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. https://www.altamuralife.it/notizie/federicus-annunciati-il-tema-e-i-giorni-del-2020/

Mga kawingang panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]