Ekonomiyang pampamilihan
Ang pampamilihang ekonomiya ay isang ekonomiya na kung saan ang mga pasya ukol sa pamumuhunan, produksyon, at distribusyon ay batay sa panustos at kailangan (supply and demand), at ang presyo ng mga produkto at serbisyo ay nalalaman sa malayang sistema ng halaga. Ang pangunahing katangian sa pampamilihang ekonomiya ay ang pagdedesisyon sa pamumuhunan at ang alokasyon ng tagalikha ng produkto ay karaniwang ginagawa sa pamamagitan ng mga negosasyon sa pamilihan.[1][2] Ito ay salungat sa isang planadong ekonomiya na kung saan ang mga desisyon ukol sa pamumuhunan at produksyon ay kinakatawan sa isang planong pangproduksyon.
Ang mga pampamilihang ekonomiya ay maaaring magmula sa pinapalagay na laissez-faire at iba't ibang malayang pamilihan hanggang sa kontroladong pamilihan at iba't ibang panghihimasok ng pamahalaan. Sa katunayan, hindi tunay ang purong anyo ng mga pampamilihang ekonomiya dahil sa pangangasiwa ng lipunan at gobyerno. Maraming pananaw ang nananatili tungkol sa gaano makapangyarihan ang gobyerno sa kaniyang tungkuling paggabay sa ekonomiya sa merkado at pag-asikaso sa hindi pantay na paglikha ng merkado. Ang antas ng pagpa-planong ekonomiko o gawaing nakasentro sa estado ay kasama sa karamihan ng mga pampamilihang ekonomiya.
Ang mga ekonomiya sa merkado ay hindi lohikal na nangangahulugang pagkakaroon ng pribadong ari-arian para sa produksyon. Ang ekonomiya sa merkado ay maaaring buuin ng iba’t ibang uri ng kooperatiba, pangkat o mga ahensya ng estado na nangongolekta at nakikipagpalit ng kapital na produkto sa mga pamilihan, magamit ang malayang sistema ng presyo upang makapaglaan ng kapital na produkto at serbisyo. Iba't iba ang mga uri ng sosyalismo sa merkado. Ang ilan sa mga ito ay pinapaloob ng mga negosyo na batay sa sariling pamamahala pati na rin ang mga modelong may kinalaman sa publikong pagmamay-aari sa produksyon kung saan ang mga produkto ay ibinabahagi sa pamamagitan ng pamilihan.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Gregory and Stuart, Paul and Robert (2004). Comparing Economic Systems in the Twenty-First Century, Seventh Edition (sa wikang Ingles). George Hoffman. p. 538. ISBN 0-618-26181-8.
Market Economy: Economy in which fundamentals of supply and demand provide signals regarding resource utilization.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Altvater, E. (1993). The Future of the Market: An Essay on the Regulation of Money and Nature After the Collapse of "Actually Existing Socialism (sa wikang Ingles). Verso. p. 57.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)