iBet uBet web content aggregator. Adding the entire web to your favor.
iBet uBet web content aggregator. Adding the entire web to your favor.



Link to original content: http://tl.wikipedia.org/wiki/Canada
Canada - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Canada

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Canada
Salawikain: A mari usque ad mare
"Mula dagat sa dagat"
Awiting Pambansa: O Canada

Awiting Makahari: God Save the King
"Diyos Iligtas ang Hari"
A projection of North America with Canada highlighted in green
KabiseraOttawa
45°25′29″N 75°41′42″W / 45.42472°N 75.69500°W / 45.42472; -75.69500
Pinakamalaking lungsodToronto
43°44′30″N 79°22′24″W / 43.74167°N 79.37333°W / 43.74167; -79.37333
Wikang opisyal
KatawaganCanadyano
PamahalaanPederal at parlamentaryong monarkiyang konstitusyonal
• Monarko
Carlos III
Mary Simon
Justin Trudeau
LehislaturaParliament
• Mataas na Kapulungan
Senate
• Mababang Kapulungan
House of Commons
Kasarinlan 
mula sa United Kingdom Reyno Unido
July 1, 1867
December 11, 1931
April 17, 1982
Lawak
• Total area
9,984,670 km2 (3,855,100 mi kuw) (2nd)
• Katubigan (%)
11.76 (2015)[1]
• Total land area
9,093,507 km2 (3,511,023 mi kuw)
Populasyon
• Pagtataya sa 2023 Q3
Neutral increase 40,097,761[2] (37th)
• Senso ng 2021
36,991,981[3]
• Densidad
4.2/km2 (10.9/mi kuw) (236th)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2023
• Kabuuan
Increase $2.378 trillion[4] (15th)
• Bawat kapita
Increase $59,813[4] (28th)
KDP (nominal)Pagtataya sa 2023
• Kabuuan
Decrease $2.117 trillion[4] (9th)
• Bawat kapita
Decrease $53,246[4] (18th)
Gini (2018)30.3[5]
katamtaman
TKP (2021)Increase 0.936[6]
napakataas · 15th
SalapiCanadian dollar ($) (CAD)
Sona ng orasUTC−3.5 to −8
• Tag-init (DST)
UTC−2.5 to −7
Ayos ng petsayyyy-mm-dd (AD)[7]
Gilid ng pagmamanehoright
Kodigong pantelepono+1
Internet TLD.ca

Ang Canada ay bansa sa Hilagang Amerika, ang pinakahilaga sa buong mundo, at ang pangalawang pinakamalaki sa sukat, kasunod ng Rusya at mga 58.4% nang kalawakan ng Rusya o mga 26.4 beses nang kalakihan ng Hapon. Ang Canada ay naging tirahan ng mga Aborihinal bago dumating ang mga Briton at Pranses noong ika-15 siglo. Pagkatapos ng Digmaan ng Pitong Taon ang Prasya ang isinuko halos lahat ng mga kolonya nila sa Hilagang Amerika.

Ang mga opisyal na wika ng Canada ay Ingles at Pranses. Sa teritoryo ng Nunavut, naging opisyal din ang Inuit (Inuktitut at Inuinnaqtun), bukod sa Ingles at Pranses. Mahigit nang 630 ang bilang ng mga opisyal na gobyerno o banda ng mga Aborihinal na di Inuit o di Métis (Mestiso nila).

Sa kabuuan, nakakalat ang populasyon ng Canada sa ilang mga pook. Ang karamihan ng lupa ng Canada ay puno ng kagubatan at tundra. Higit sa 80% ng populasyon ng Canada ay nakatira sa mga siyudad, at 70% ay nakatira sa loob ng 100 kilometro mula sa border sa timog. Nag-iiba ang klima ng Canada ayon sa lugar, mula sa klimang Artiko sa hilaga, hanggang sa mainit na tag-araw sa timog na may apat na pana-panahon.

Nakatira ang mga ibang klase ng mga Aborihinal sa Canada ng libo-libong taon bago ngayon. Nagsimula ng mga expedisyon ang taga-Europa sa silangang baybayin ng Canada sa higit ng mga Viking sa ika-11 siglo, at sa ika-15 siglo, tinaya ni Jacques Cartier ang Golpo ng Saint Lawrence. Sa 5 Agosto 1583, tinatag ng mga Ingles ang kolonya ng Newfoundland. Sinundan ito ng mga ibang kolonya ng Pransiya at Inglaterra sa Nova Scotia, sa lambak ng Ilog Saint Lawrence, at sa tangway ng Labrador. Sa wakas ng mga labanang kagaya ng War of Spanish Succesion (1714), French and Indian War (1758), at ng American Revolutionary War (1753), nawala at nanalo ang Britanya ng mga lupang tumutugma sa teritoryo ng Canada ngayon. Sa 1 Hulyo 1867, naging Dominion ng Canada ang tatlong probinsya. Siniguro ang soberanya nito ng Balfour Declaration sa 1926, ng Statute of Westminster sa 1931, at ng Canada Act sa 1982.

Ang kasaysayang moderno ng Canada ay minarka ng pagpalawak ng teritoryo, ng paghahanap ng ginto, at ng partisipasyon sa Unang Digmaang Pandaigdig. Nabagsak ang ekonomiya ng Canada sa Matinding Depresyon, ngunit bumangon sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kung saan ang Canada ay naging isa sa mga nanalo bilang isa sa mga Allies.

Sa 2015, ang Canada ay ang ikalabinlimang kapantayan ng lakas ng pagbili (KLP) na pinakamataas sa buong mundo, at nasa ikalabindalawang posisyong pinakamataas sa Talatuntunan ng Kaunlarang Pantao. Miyembro ang Canada sa ilang mga multilateral organizations, kasama ng Nagkakaisang Bansa, Organizasyon ng Tratado ng Hilagang Atlantiko, ang G7 (dating kilala bilang G8), Group of Ten, ang Pangkat ng Dalawampu (P20), North American Free Trade Agreement (NAFTA), at ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC).

Aborihinal na Nuu-chah-nulth sa kanluran ng Canada

Ang salitang "Canada" ay nagmula sa salitang iroquois na "kanata." Ang "k" ay sinasabi na parang "g" at ang "t" ay parang "d." Ang ibig sabihin nito ay nayon[8]. Sa 1535, ginagamit ng mga nakatira dito kay Jacques Cartier ang "kanata" upang madirekta siya sa Stadacona[9]. Sa ganito, ginamit ni Cartier ang itong salita para tukuyin ang lupang inaari ni Chief Donnacona. Sampung taon ang nakalipas, ginamit ng mga librong taga-Europa para tukuyin ang lugar na ito sa tabi ng Ilog Saint Lawrence.

Mula sa ika-16 siglo hanggang sa ika-18 siglo, ginagamit ang "Canada" para tukuyin ang lupang nasa tabi ng Ilog Saint Lawrence at nasa kapangyarihan ng New France. Sa 1791, hinati ang lugar sa "Upper Canada" at sa "Lower Canada," sama-samang tinatawag na "the Canadas" hanggang sa kanilang pagkakaisa sa "Province of Canada." Sa Confederation ng ilang mga probinsya sa 1867, ang Canada ay ginawa bilang ligal na pangalan ng bagong bansa sa London Conference. Sa 1950s, tinigil nang gamitin ang "Dominion of Canada "ng United Kingdom bilang pangalang opisyal ng bansang ito. Sa 1982, sa dahilan ng Canada Act kung saan naging bansang independente ang Canada, ang buong pangalan ng Canada ay ang Canada lang. Nawala na ang 'dominion'.

Mga probinsiya at teritoryo

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Mapa ng Canada nagpapakita ng 10 mga probinsiya at 3 mga teritoryo nito
Mapa ng Canada nagpapakita ng 10 mga probinsiya at 3 mga teritoryo nito

Mga probinsiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Provinces of Canada
Watawat, pangalan at postal abbr. Mga Lungsod Pumasok sa Konpederasyon[10] (Mga) Opisyal na Wika[11] Populasyon[a] Lawak (km2)[13] Mga upuan[14]
Kabisera [15] Pinakamalaki[16] Lupain Katubigan Kabuuan Kapalungan ng mga Karaniwan Senado ng Canada
 Ontario[b] ON Toronto 1 Hulyo 1867 Wikang Ingles[c]
14,223,942
917,741
158,654
1,076,395
121 24
 Quebec QC Quebec City Montreal 1 Hulyo 1867 Wikang Pranses[d]
8,501,833
1,356,128
185,928
1,542,056
78 24
 Nova Scotia NS Halifax[e] 1 Hulyo 1867 Ingles[f]
969,383
53,338
1,946
55,284
11 10
 New Brunswick NB Fredericton Moncton 1 Hulyo 1867 Ingles, Pranses[g]
775,610
71,450
1,458
72,908
10 10
 Manitoba MB Winnipeg 15 Hulyo 1870 Ingles[c][h]
1,342,153
553,556
94,241
647,797
14 6
 British Columbia BC Victoria Vancouver 20 Hulyo 1871 Ingles[c]
5,000,879
925,186
19,549
944,735
42 6
 Prince Edward Island PE Charlottetown 1 Hulyo 1873 Ingles[c]
154,331
5,660
0
5,660
4 4
 Saskatchewan SK Regina Saskatoon 1 Setyembre 1905 Ingles[c]
1,132,505
591,670
59,366
651,036
14 6
 Alberta AB Edmonton Calgary 1 Setyembre 1905 Ingles[c]
4,262,635
642,317
19,531
661,848
34 6
 Newfoundland and Labrador NL St. John's 31 Marso 1949 Ingles[c]
510,550
373,872
31,340
405,212
7 6
Kabuuang probinsiya
&0000000036873821.00000036,873,821
&0000000005490918.0000005,490,918
&0000000000572013.000000572,013
&0000000006062931.0000006,062,931
&0000000000000335.000000335 &0000000000000102.000000102

Mga teritoryo

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Territories of Canada
Watawat, pangalan, at postal abbr. Mga lungsod[15] Pumasok sa Konpederasyon[10] Mga opisyal na wika Populasyon (2021) Lawak (km2)[13] Mga upuan[14]
Kabisera Pinakalamalki Lupain Katubigan Kabuuan Kapulungan ng mga Karaniwan Senado ng Canada
 Northwest Territories NT Yellowknife 15 Hulyo 1870 Chipewyan, Cree, English, French, Gwich'in, Inuinnaqtun, Inuktitut, Inuvialuktun, North Slavey, South Slavey, Tłįchǫ[17]
41,070
1,183,085
163,021
1,346,106
1
1
 Yukon YT Whitehorse 13 Hunyo 1898 Ingles, Pranse[18]
40,232
474,391
8,052
482,443
1
1
 Nunavut NU Iqaluit 1 Abril 1999 Inuinnaqtun, Inuktitut, Ingles, Pranse[19]
36,858
1,936,113
157,077
2,093,190
1
1
Kabuuan ng mga teritoryo
&0000000000118160.000000118,160
&0000000003593589.0000003,593,589
&0000000000328150.000000328,150
&0000000003921739.0000003,921,739
&0000000000000003.0000003
&0000000000000003.0000003
Si Justin Trudeau ang kasalukuyang Punong Ministro ng Canada mula 2015.

Ang Canada ay nasa uri ng monarkiyang konstitusyunal na ang pinuno ng estado ay si Haring Charles III, at parlyamentaryong demokrasya na may sistemang federal ng pamahalaang parlyamentaryo at may matibay na tradisyong demokratiko.

Ang posisyong ng Punong ministro, ay ang pinuno ng pamahalaan ng Canada, na nanggagaling sa nagungunang partido pampolitika na kayang makakuha ng tiwala sa karamihan ng Kapulungan ng mga Pangkaraniwan ng Canada. Ang Punong ministro at ang kanilang Gabinete ay pormal na itinatalaga ng Gobernador Heneral ng Canada (na kinatawan ng Canada kay Charles III. Kapag ang Punong ministro ay pumili ng gabinete, at ng kumbensiyon, ang Gobernador Heneral ay irerespeto ang mga napili ng Punong ministro. Ang gabinete ay nakasanayang kunin sa mga kasapi ng partido kung saan galing ang Punong ministro kahit saan sa lehislatura, at kadalasan ay sa Kapulungan ng mga PangKaraniwan. ang kapangyarihang Ehekutibo ay pinaiiral ng Punong ministro at ng Gabinete, at lahat sila ay manunumpa sa pribadong konseho ng Reyna para sa Canada, at magiging Ministro ng Korona. Ang Punong ministro ay may malawak ng kapangyarihang pampolitika, lalong lalo na sa pagtatalaga ng mga opisyal ng pamahalaan at ng paglilingkod sibil.

Ang parlyamentaryong federal ay binubuo ng Reyna at ng dalawang bahay: ang mga nahalal na Bahay ng mga Pangaraniwan at ng naitalagang Senado. Bawat kasapi ng Bahay ng mga Pankaraniwan ay inihahalal sa simpleng paramihan ng boto sa distritong elektoral; ang pangkalahatang halalan ay pinapatawag ng Gobernador Heneral kung kailan ito ipapayo ng Punong ministro. Dahil walang minimum na termino para sa parlyamento, dapat magkaroon ng bagong halalan sa loob ng apat na taon ng huling pangkalahatang halalan. Ang mga kasapi ng Senado, na ang mga puwesto ay itinalaga sa baseng rehiyonal, ay ay pinipili ng Punong ministro at pormal na itinatalaga ng Gobernador Heneral, at maglilingkod hanggang sa edad na 75.

Ang apat na pangunahing partido pampolitika sa Canada ay ang Partido Liberal ng Canada, Partido Konserbatibo ng Canada, Partidong Bagong Demokratiko, at ang Bloc Québécois. Ang kasalukuyang pamahalaan ay binubuo ng partido konserbatibo ng Canada. Ang Partidong Luntian ng Canada ay may 3 nahalal na Miembro ng Parliyamento.

Pagkakahating Administratibo

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Aborihinal na arte ng Inuit sa Quebec

Ang Canada ay binubuo ng sampung lalawigan at tatlong teritoryo. Ang mga lalawigan ay ang Alberta, British Columbia, Manitoba, New Brunswick, Newfoundland at Labrador, Nova Scotia, Ontario, Prince Edward Island, Quebec, at Saskatchewan. Ang tatlong teritoryo ay ang Northwest Territories, Nunavut, at Yukon. Ang mga lalawigan ay may mas malaking antas ng autonomiya sa pamahalaan pederal, at mas kakaunti sa mga teritoryo. Ang bawat isa ay may kanya kanyang panglalawigang o panteritoryal na simbolo.

Responsibilidad ng mga lalawigan ang halos lahat ng mga programang panlipunan (tulad ng pangangalaga sa kalusugan, edukasyon, at kagalingan) at sama-samang kumukulekta ng mga kita kaysa sa pamahalaang parlyamentaryo nito, isang kakaibang estruktura ng pederasyon sa daigdig. Gamit ang kapangyarihan nitong gumasta, ang pamahalaang federal, ay magsasagawa ng mga pambansang alituntunin sa mga lalawigan, tulad ng Canada Health Act; ang mga lalawigan ay maaaring pumili sa mga ito ngunit, bibihira ang nagsasagawa nito. Patas na pagbabayad ang ginagawa ng pamahalaang federal upang matiyak nito na mapapanatiling pantay pantay at wasto ang paglilingkod at pagbubuwis sa pagitan ng mga mayayaman at mahihirap na lalawigan ng bansa.

Ang lahat ng lalawigan ay may sistemang unicameral, at naghahalal ng lehislatura na pinamumunuan ng Premier na pinipili tulad ng Punong ministro ng Canada. Bawat lalawigan ay may kanya kanyang mga Tinyente-Gobernador na tagapagpanggap ng Reyna, tulad ng Gobernador Heneral ng Canada, sila ay itinatalaga sa pamamagitan ng rekomendasyon ng Punong ministro ng Canada, subalit sa mga nakalipas na taon ay tumataas ang antas ang pagsangguni sa pamahalaang panlalawigan.

Heograpiya at Klima

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Canada ay sumasakop sa halos lahat ng hilagang bahagi ng Hilagang Amerika. Kahati nito ng hangganan ang Estados Unidos sa katimugan at ang estado ng Alaska ng Estados Unidos sa hilagang kanluran, at pahaba mula sa Karagatan ng Atlantiko sa silangan, at ang karagatan ng Pasipiko sa kanluran; sa hilaga naman ay ang Karagatang Artiko.

Magkakaiba ang sukat ng temperatura ng tag-lamig at tag-init sa bawat bahagi ng Canada. Ang Taglamig ay maaaring maging malupit sa maraming bahagi ng bansa, lalung-lalo na sa mga lalawigang Prairie, na ang kadalasang temperatura araw-araw ay malapit sa -15 °C ngunit maaari pang bumaba sa -40 °C at may malakas na malamig na hangin. Ang baybaying Britanikong Kolumbiya ay naiiba dahil wasto lamang ang klima nito na may malumanay at maulan na taglamig.

Ang Canada ang pinakabilis lumaki ang populasyon sa mga G8 na bansa. Mula 1990 hanggang 2008, umakyat ang populasyon ng mga 5.6 milyong katao, mga 20.4% kataasan. Mga 23.4% ng katao ay bisibleng minoriya o di puti. Malaki ang imigrasyon.

Noong 2011, may mga 662,600 Pilipino sa Canada.[20] Ang mga Pilipino ang ika-3 pinakalaking grupong Asyano sa huli ng mga Intsik at Bumbay sa Canada.

Ang Canada ay isang kulturang indibidwalistiko na isang uri ng ng kultura na ang pagpapahalaga ay nasa isang indibidwal o sarili kesa sa isang grupo. Ang mga kulturang indidbidwalistiko ay nagbibigay halaga sa sariling pananaw, pribasiya, autonomiya(pangangasiwa sa sariling buhay), pag-asa sa sarili at sariling sikap. Ang mga Canadian ay gumagamit ng diretsang pakipagtalastasan, naghahayag sa sariling naisin, at gumagamit ng mga iba't ibang paraan upang maayos ang mga alitan sa ibang kapwa tao. Ang Canada ay isang uri ng may mababang pagitan ng kapangyarihan(low power distance culture) kung saan ito ay nagbibigay halaga sa bawat indibidwal na walang tinitingnang estado o katayuan sa buhay at nagtatakwil ng kawalang kapantayan sa lipunan. Tinatakwil ng mga Canadian ang mga autoridad sa ikabubuti ng bawat indibidwal na bahagi ng isang lipunan.

Ang proporsiyon ng tuli sa Canada ay mga 32%[21] ng mga lalaki. Ang tasa ng pagtutuli ng mga bagong pinanganak ay mga 31.9% noong 2006/2007 sa buong Canada.[22]

  1. As of Q4 2021.[12]
  2. Ottawa, the national capital of Canada, is located in Ontario, near its border with Quebec. However, the National Capital Region straddles the border.
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 3.5 3.6 De facto; French has limited constitutional status.
  4. Charter of the French Language; English has limited constitutional status in Quebec.
  5. Nova Scotia dissolved cities in 1996 in favour of regional municipalities; its largest regional municipality is therefore substituted.
  6. Nova Scotia has very few bilingual statutes (three in English and French; one in English and Polish); some Government bodies have legislated names in both English and French.
  7. Section Sixteen of the Canadian Charter of Rights and Freedoms.
  8. Although Manitoba has above average constitutional protections for the French language, it is not an official language.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Surface water and surface water change". Organisation for Economic Co-operation and Development (OECD). Nakuha noong Oktubre 11, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Population estimates, quarterly". Statistics Canada. Setyembre 27, 2023. Inarkibo mula sa orihinal noong Setyembre 28, 2023. Nakuha noong Setyembre 28, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Census Profile, 2021 Census of Population". Pebrero 9, 2022. Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 9, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 4.2 4.3 "World Economic Outlook Database, October 2023 Edition. (Canada)". IMF.org. International Monetary Fund. Oktubre 10, 2023. Nakuha noong Oktubre 10, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Income inequality". OECD. Nakuha noong Hulyo 16, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Human Development Report 2021/2022" (PDF). United Nations Development Programme. Setyembre 8, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. The Government of Canada and Standards Council of Canada prescribe ISO 8601 as the country's official all-numeric date format: Public Works and Government Services Canada Translation Bureau (1997). "5.14: Dates". The Canadian style: A guide to writing and editing (ika-Revised (na) edisyon). Dundurn Press. p. 97. ISBN 978-1-55002-276-6.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) The dd/mm/yy and mm/dd/yy formats also remain in common use; see Date and time notation in Canada.
  8. https://www.canada.ca/fr/patrimoine-canadien/services/origines-nom-canada.html
  9. https://books.google.ca/books?id=aiUZMOypNB4C&pg=PA14&redir_esc=y#v=onepage&q&f=false
  10. 10.0 10.1 Reader's Digest Association (Canada); Canadian Geographic Enterprises (2004). The Canadian Atlas: Our Nation, Environment and People. Douglas & McIntyre. p. 41. ISBN 978-1-55365-082-9. Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 3, 2016. Nakuha noong Nobyembre 21, 2015.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Coche, Olivier; Vaillancourt, François; Cadieux, Marc-Antoine; Ronson, Jamie Lee (2012). "Official Language Policies of the Canadian Provinces" (PDF). Fraser Institute. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Abril 28, 2012. Nakuha noong Agosto 6, 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Population estimates, quarterly". Statistics Canada. Hunyo 17, 2021. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 3, 2020. Nakuha noong Agosto 20, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. 13.0 13.1 "Land and freshwater area, by province and territory". Statistics Canada. 2005. Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 24, 2011. Nakuha noong Agosto 4, 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. 14.0 14.1 "Guide to the Canadian House of Commons". Parliament of Canada. 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 27, 2013. Nakuha noong Agosto 6, 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. 15.0 15.1 [kailangan ng sanggunian]
  16. Place name (2013). "Census Profile". Statistic Canada. Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 8, 2013. Nakuha noong Agosto 6, 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. Northwest Territories Official Languages Act, 1988 Naka-arkibo July 22, 2014, sa Wayback Machine. (as amended 1988, 1991–1992, 2003)
  18. "OCOL – Statistics on Official Languages in Yukon". Office of the Commissioner of Official Languages. 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 25, 2013. Nakuha noong Agosto 6, 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. "Nunavut's Official Languages". Language Commissioner of Nunavut. 2009. Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 14, 2013. Nakuha noong Agosto 6, 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. "NHS Profile, Canada, 2011". 2011 National Household Survey. (10 Hunyo 2013).
  21. Canadian Family Physician (Pebrero 2013).
  22. "Data Tables — The Maternity Experiences Survey (MES) 2006–2007 Canadian Maternity Experiences Survey". Public Health Agency of Canada. p. 267.