iBet uBet web content aggregator. Adding the entire web to your favor.
iBet uBet web content aggregator. Adding the entire web to your favor.



Link to original content: http://tl.wikipedia.org/wiki/Bubog
Kristal - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Kristal

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Bubog)
Kristal na kuwarso.

Ang bubog o kristal, tinatawag ding mala-kristal na solido, namuong bubog, bubog na buo, kristalinang solido, o solidong kristalina, ay isang solidong materyal na nakaayos ang mga bumubuo dito (tulad ng mga atomo, molekula, o iono) sa isang napakaayos na mikroskopikong istraktura, na bumubuo ng isang kristal na sala-sala na umaabot sa lahat ng direksyon.[1][2] Bilang karagdagan, karaniwang nakikilala ang mga makroskopikong solong kristal sa pamamagitan ng kanilang heometrikal na hugis, na binubuo ng mga patag na mukha na may mga partiklar at karakteristikong oryentasyon. Ang siyentipikong pag-aaral ng mga kristal at pagbuo ng kristal ay kilala bilang krystalograpiya. Ang proseso ng pagbuo ng kristal sa pamamagitan ng mga mekanismo ng paglaki ng kristal ay tinatawag na krystalisasyon o solidipikasyon.

Ang salitang kristal ay nagmula sa Sinaunang salitang Griyego na κρύσταλλος (krustallos), ibig sabihin ay parehong "yelo " at "batong kristal",[3] mula sa κρύος (kruos), "malamig na malamig na yelo, yelong kristal".[4][5]

Kabilang sa mga halimbawa ng malalaking kristal ang mga snowflake (o piraso ng niyebe), diyamante, at asin. Karamihan hindi kristal ang mga di-organikong solido kundi mga polikristal, ibig sabihin, maraming mga mikroskopikong kristal na pinagsama-sama sa isang solido. Kabilang sa mga polikristal ang karamihan sa mga metal, bato, seramika, at yelo. Ang pangatlong kategorya ng mga solido ay mga solidong amorpo, kung saan walang peryodikong estruktura ang mga atomo kahit ano pa man. Kabilang sa mga halimbawa ng solidong amorpomo solids ang salamin, pagkit, at maraming plastik.

Sa kabila ng pangalan, ang kristal na tingga, salaming kristal, at mga kaugnay na produkto ay hindi mga kristal, subalit sa halip ay mga uri ng salamin, iya ay, mga solidong amorpo.

Ang mga kristal, o mga mala-kristal na solido, ay kadalasang ginagamit sa mga seudosiyentipiko na kasanayan gaya ng terapiyang kristal, at, kasama ng mga bayong-hiyas, nauugnay minsan sa pangungubaw sa mga paniniwalang Wiccan at mga nauugnay na relihiyosong kilusan.[6]

Halimbawa ng mga kristal

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Isang obsidiyano

Ang iba't ibang mga bagay ay nakabubuo ng iba't ibang uri ng mga bubog. Ang ilan sa higit na kilalang mga bagay na nakapagbubuo ng mga bubog ay ang asing pangmesa, na ang mga kristal ay mga kubo, at mga kwarts (quartz sa Ingles).

Ang obsidiyano (sa Ingles: obsidian) ay isang kristal na nabuo sa pamamagitan ng mabilis na paglamig ng kumukulong putik o lava na walang pagkrikristal. Karaniwang itim ito ngunit naaninag sa manipis na piraso. Ang obsidiyano ay nabubuo sa itaas ng lupa mula sa lava na magkatulad sa komposisyon ng magma.

Pagkakaroon sa kalikasan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Mga kristal ng yelo

Sa dami at bigat, ang pinakamalaking konsentrasyon ng mga kristal sa Daigdig ay bahagi ng solidong pundamento nito. Karaniwang may sukat ang mga kristal na matatagpuan sa mga bato mula sa isang maliit na bahagi ng isang milimetro hanggang ilang sentimetro sa kabuuan, bagama't paminsan-minsan matatagpuan ang mga pambihirang malalaking kristal. Magmula noong 1999, ang pinakamalaking kilalang natural na kristal sa mundo ay isang kristal ng berito mula sa Malakialina, Madagascar, 18 metro (59 tal) ang haba at 3.5 metro (11 tal) sa diyametro, at tumitimbang 380,000 kg (840,000 lb).[7]

Ang baseng-tubig na yelo sa anyo ng niyebe, yelo sa dagat, at glasyar ay karaniwang mga kristalino/polikristalini na istruktura sa Daigdig at iba pang mga planeta. [8] Ang isang snowflake o piraso ng niyebe ay isang solong kristal o isang koleksyon ng mga kristal,[9] habang ice cube o kubong yelo ay isang polikristal.[10]

Kristal na organiheniko

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Maraming buhay na organismo ang nakakagawa ng mga kristal na lumago mula sa isang may tubig na solusyon, halimbawa kalsita at aragonito sa kaso ng karamihan sa mga molusko o hidrosikyapatita sa kaso ng mga buto at ngipin sa mga bertebrado.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Stephen Lower. "Chem1 online textbook—States of matter" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2016-09-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Ashcroft at Mermin (1976). Solid State Physics (sa wikang Ingles).{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. κρύσταλλος, Henry George Liddell, Robert Scott, A Greek-English Lexicon, on Perseus Digital Library (sa Griyego)
  4. κρύος, Henry George Liddell, Robert Scott, A Greek-English Lexicon, on Perseus Digital Library (sa Griyego)
  5. "crys·tal". The American Heritage Dictionary of the English Language (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-06-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "The Magic of Crystals and Gemstones". WitchesLore (sa wikang Ingles). 14 Disyembre 2011. Nakuha noong 14 Nobyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. G. Cressey and I. F. Mercer, (1999) Crystals, London, Natural History Museum, pahina 58 (sa Ingles)
  8. Yoshinori Furukawa, "Ice"; Matti Leppäranta, "Sea Ice"; D.P. Dobhal, "Glacier"; at ibang mga artikulo nina Vijay P. Singh, Pratap Singh, at Umesh K. Haritashya, mga pat., Encyclopedia of Snow, Ice and Glaciers (Dordrecht, NE: Springer Science & Business Media, 2011). ISBN 904812641X, 9789048126415 (sa Ingles)
  9. Libbrecht, Kenneth; Wing, Rachel (2015-09-01). The Snowflake: Winter's Frozen Artistry (sa wikang Ingles). Voyageur Press. ISBN 9781627887335.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Hjorth-Hansen, E. (2017-10-19). Snow Engineering 2000: Recent Advances and Developments (sa wikang Ingles). Routledge. ISBN 9781351416238.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)