Bikheris
Bikheris sa mga heroglipiko | ||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Paghahari: Hindi alam | ||||||||||
Predesesor: Khafre Kahalili: Menkaure | ||||||||||
Ba-Ka B3-K3 Name of prince Baka | ||||||||||
Ba-Ka B3-K3 Soul and Ka Birth-name A | ||||||||||
Ba-Ka B3-K3 Birth-name B | ||||||||||
...(erased)... Turin Canon (Column III, line 13.) | ||||||||||
Limestone fragment with the illegible cartouche name interpreted as Baka. |
Ang Bikheris ang helenisadong anyo ng pangalan ng isang paraon na maaaring namuno noong Ikaapat na dinastiya ng Ehipto. Dahil ang pangalang "Bikheris" ay lumilitaw lamang sa Aegyptiaca ni Manetho at pinakamalamang ay hinango mula sa anyong pangalang Ehipsiyo naBa-Ka, tinatalakay ng mga Ehiptologo ang posisyong kronolohikal at pigurang historikal na Bikheris.
Pagkakakilanlan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang pagkakakilanlan ni Bikheris ay paksa ng mga imbestigasyon dahil alam mula Aegyptiaca ni Manetho na si Bikheris ang anak ni “Sûphís II” (= Khafre) at namuno ng 22 taon.[2] Ngunit dahil walang mga kontemporaryong arkeolohikal na ebidensiya para sa haring may pangalang "Baka" o "Bikheris", ang mga Ehiptologo ay naniniwalang si Bikheris ay piksiyon o produkto ng maling pagkaunawa sa kasaysayan. Ang inskripsiyon sa bato sa Wadi Hammamat ay nagtatala ng pangalang [[cartouche] na Baefrê sa pagitan ng mga haring sina Khaefre at Menkaura. Sa aktuwal, may isang kasapi ng pamilya ng hari na tinawag na Bau-ef-Rê ng anak ng paraon na si Khufu ngunit palagi siya pinamamagatan lamang bilang "anak ng hari". Ang parehong phenomenon ay makikita sa pangalan ng prinsipeng si Hordjedef na ang pangalan ay maling nailaga sa isang cartouche.[2] Ang Kanon ng Turin ay nagtatala sa pagitan nina Khafre at Menkaure ng isang karagdagang pangalan ngunit ang papyrus ay napinsala na nag-iiwan ng puwan at kahit ang taon ay nawala. [3] Ang talaan ng hari ng Saqqara ay nagbabanggit rin ng isang hari sa pagitan nila ngunit ang cartouche ay napinsala rin.[4] Sa Zawjet el-Arjan, ang isang hindi natapos na pyramid ay nahukay noong 1910 at naglalaman ng ilang may itim na tintang inskripsiyon na nagbabanggit ng ..?..-Ka. Bagaman ang mas mababa at kaya ay ikalawang tandang hieroglipiko ay tiyak na isang simbolong Ka-symbol, ang ibang tanda ay hindi mabasa dahil ang naghukay nai si Alexandre Barsanti ay hindi gumawa ng mga facsimile ngunit magulong mga guhit ng kamay kaya ang huling tanda ay hindi mailarawan. [5] Pinaniniwalaan nina Jürgen von Beckerath ant George Reisner na ang pyramid ay pinlano bilang libingan ng natukoy ng arkeolohiyang haring pinangalanang "Baka" na walang dudang anak ng haring Radjedef. Ang kanyang pangalan ay isinulat sa mga simbolo ng isang tupa at simbolong Ka. Ipinagpalagay ni Beckerath na binago ni Baka ang kanyang pangalan sa Bakarê nang siya ay umakyat sa trono ngunit hindi inaasahang namatay na nag-iwan ng isang hindi natapos na libingang baras. Binabasa nina Beckerath at Reisner ang misteryosong pangalan sa Zawjet el-Arjan bilang “Ba-Ka”.[6][7] Sa halip nito, akita ni Aidan Dodson ang isang nakaupong hayop-Seth at kaya ay binabasang "Seth-Ka". Siya ay naniniwalang ang pyramid ay pinlano bilang libingan ng prinsipeng Setka na karagdagang anak ni paraon Khufu. [4]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Alan H. Gardiner: The royal canon of Turin. page 16, table II.
- ↑ 2.0 2.1 Peter Jánosi: Giza in der 4. Dynastie. Die Baugeschichte und Belegung einer Nekropole des Alten Reiches. Bd. I: Die Mastabas der Kernfriedhöfe und die Felsgräber. Verlag der Österreichischen Akademie der Wissenschaften, Wien 2005, ISBN 3-7001-3244-1, page 64–65.
- ↑ Wolfgang Helck: Untersuchungen zu Manetho und den ägyptischen Königslisten (= Untersuchungen zur Geschichte und Altertumskunde Ägyptens, Bd. 18). Leipzig/ Berlin 1956, page 52f.
- ↑ 4.0 4.1 Aidan Dodson, Dyan Hilton: The Complete Royal Families of Ancient Egypt. The American University in Cairo Press, London 2004, ISBN 977-424-878-3, page 61.
- ↑ Miroslav Verner: Archaeological Remarks on the 4th and 5th Dynasty Chronology. In: Archiv Orientální, vol. 69. Praha 2001, page 363–418.
- ↑ Jürgen von Beckerath: Chronologie des pharaonischen Ägypten. Die Zeitbestimmung der ägyptischen Geschichte von der Vorzeit bis 332 v. Chr. (= Münchner ägyptologische Studien, vol. 46). von Zabern, Mainz 1997, ISBN 3-8053-2310-7, page 158.
- ↑ George Andrew Reisner: A History of the Giza Necropolis, vol. I, Harvard University Press, Harvard 1942, page 28.