iBet uBet web content aggregator. Adding the entire web to your favor.
iBet uBet web content aggregator. Adding the entire web to your favor.



Link to original content: http://tl.wikipedia.org/wiki/Bagyo
Bagyo - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Bagyo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Tungkol ang artikulong ito sa bagyong yolanda bilang tropikal na unos. Para pangkalahatang kaisipan tungkol sa unos, tingnan Unos.
Para sa lungsod sa Pilipinas, tingnan Lungsod ng Baguio.
Bagyong Haima (Lawin) noong 2016

Ang bagyo[1] (mula sa Proto-Austronesian: *baRiuS at Ingles: typhoon, hurricane, storm at tropical cyclone) ay isang sistema ng klima na may nakabukas na sirkulasyon sa paligid ng isang sentro ng mababang lugar, tumatakbo sa pamamagitan ng init na inilabas kapag umaakyat at lumalapot ang basang hangin. Natutukoy sila sa mga ibang unos, katulad ng mga mababang presyon sa polar, sa pamamagitan ng mekanismo na nagpapatakbo sa kanila, na ginagawa silang "mainit na gitna" na sistema ng klima. Tinatawag din itong unos at sigwa.[1]

Ang bagyo sa Pilipinas ay nangyayari ng 8-20 beses kada taon. May apat na uri na bagyo depende sa bilis ng hangin niya. Signal No. 1, Signal No. 2, Signal No. 3, Signal No. 4 at Signal No. 5. Ang PAGASA ang nagpapangalan ng bagyo sa Pilipinas at mauulit kada 4 taon. Ang World Meteorological Organization (Pandaigdigang Organisasyong Meteorolohikal) ang nagpapangalan sa internasyunal na pangalan ng isang bagyo.

Sa Pilipinas, ang pagbabantay ng mga bagyo ay nakatalaga sa Pangasiwaan ng Palingkurang Atmosperiko, Heopisikal at Astronomiko ng Pilipinas o PAGASA.

Bagaman may mga nakatakda nang mga internasyonal na pangalan ang mga bagyong mamumuo sa Kanlurang Pasipiko, may sariling nakatakdang pangalan ng mga bagyo ang PAGASA. May apat na listahan ang PAGASA na nagsasalit-salitan kada taon, na bumabalik sa unang listahan makaraan ang apat na taon. Ang bawat listahan ay may dalawampu't limang pangalan na naaayon sa makabagong Alpabetong Pilipino maliban sa Ñ, NG at X, at may ekstra pang sampung nakalaan kung bakasakaling lumagpas sa 25 ang mga bagyong naitala sa taong iyon. Kapag labis na mapinsala ang isang bagyo, ang pangalan noon ay iniaalis sa listahang iyon at pinapalitan ng bago. Binibigyan lang ng PAGASA ng pangalan ang bagyo kapag ito ay nakapasok na sa Lugar na Responsibilidad ng Pilipinas.

Babala ng Bagyo sa Pilipinas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong una ay nahahati sa apat ang mga Babala ng Bagyo (Public Storm Warning Signal), mula Babala Blg 1 hanggang 4. Ngunit dahil sa mga mapaminsalang bagyo na kamakailan ay tumama sa Pilipinas, tulad ng bagyong Odette (Rai) noong 2021, napag-alamang hindi sapat ang sistemang pinaiiral sa mga panahong iyon.[2] Kaya noong taong 2015, dinagdag ang bagong antas ng babala, ang Babala Blg 5. Ginawa ang pagbabagong ito dahil sa inaasahang mas malakas pa ang darating na bagyo bunsod ng daigdigang pag-iinit (global warming) at ng pagbabago sa klima (climate change).

PSWS Hangin (KPH) Kalagayan ng Dagat Pinsala sa istraktura Pinsala sa taniman
#1 Emong
30 - 60 kph
Inaasahan sa loob ng 36 oras ng unang paglathala
Taas ng alon: 1.25 - 4.0 metro
  • Kaunti lang ang pinsala sa mga istrakturang mahina ang pagkakayari
  • Kaunting mga puno ng saging ang tumagilid
  • Naputol ang mga sanga ng mga maliliit na puno
  • Maaaring mapinsala ang mga palay lalu na kapag ito ay nasa yugto na ng pamumulaklak
#2 Agaton (Megi)
61 - 120 kph
Inaasahan sa loob ng 24 oras mula sa unang paglathala
Taas ng alon: 4.1 - 14.0 m

Posible ang daluyong sa baybayin
  • May kaunting pinsala ang mga istrakturang mahina ang pagkakayari
  • Natuklap ang ilang mga lumang yerong bubong
  • May pinsala sa mga billboard at karatulang may mahihina ang pagkakagawa
  • Karamihan sa mga puno ng saging, maging ang ilang mga puno ng mangga, ipil-ipil at katulad na puno ang natumba
  • Tumagilid ang ilang mga puno ng niyog
  • May matinding pinsala ang mga palay at mais
  • May pinsala ang mga palumpong
#3 Bising (Surigae)
121 - 170 kph
Inaasaahan sa loob ng 18 oras mula sa unang paglathala
Taas ng alon: > 14.0 metro

Posible ang mga daluyong sa mga baybayin
  • Malawak na pinsala sa mga istrakturang mahina ang pagkakayari
  • May kaunting pinsala sa mga istrakturang may mas matibay ang pagkakayari
  • Halos lahat ng puno ng saging ang maaaring matumba
  • Ilang mga malalaking puno tulad ng akasya, manga, atbp ang maaaring matumba o mabali
  • Maaaring matumba ang mga hybrid na puno ng niyog
  • May matinding pinsala sa mga palumpong
#4 Tisoy (Kammuri)
171 - 220kph
Inaasahan sa loob ng 12 oras mula sa unang paglathala
Taas ng alon: > 14.0 m

Posible ang daluyong na may taas na 2-3m sa mga baybayin
  • Matinding pinsala sa mga istrakturang yari sa magaang mga materyales
  • Ilang mga istraktura na katamtaman ang pagkakayari ang natanggalan ng bubong at ang ilan ay may mga bumigay na dingding, may matinding pinsala sa mga pintuan at bintana
  • Ilang mga istraktura na matibay ang pagkakayari ang may bahagyang pinsala
  • Lahat ng mga billboard/karatula ang nawasak
  • Lubos na pinsala sa taniman ng saging
  • Karamihan sa mga malalaking puno ang nabagsak
  • Maaaring magkaroon ng matinding pinsala ang taniman ng niyog
  • Matinding pinsala sa taniman ng palay at mais
#5 Odette (Rai)
185kph
Inaasahan sa loob ng 12 oras mula sa unang paglathala
Taas ng alon: > 14m

Posible ang daluyong na may taas na higit sa 3 metro sa mga baybayin
  • Malawakang pinsala sa mga istrakturang mahihina ang yari at ganun din sa mga may katamtamang yari
  • Maaaring magkaroon ng matinding pinsala ang mga istrakturang may matibay na yari
  • Lubusang pinsala sa imprastraktura ng kuryente at komunikasyon
  • Lubos na pinsala sa taniman ng saging
  • Karamihan sa mga matataas na puno ang natumba
  • Pagkaputol at pagkatumba ng mga puno ng niyog
  • Ilang puno at halaman lang ang nananatiling nakatayo

Mga bagyo sa Pilipinas ng PAGASA

[baguhin | baguhin ang wikitext]
2021
2025
2029
2033
2022
2026
2030
2034
2023
2027
2031
2035
2024
2028
2032
2036
AURING
BISING
CRISING
DANTE
EMONG
FABIAN
GORIO
HUANING
ISANG
JACINTO
KIKO
LANNIE
MIRASOL
NANDO
OPONG
PAOLO
QUEDAN
RAMIL
SALOME
TINO
UWAN
VERBENA
WILMA
YASMIN
ZORAIDA
ADA
BASYANG
CALOY
DOMENG
ESTER
FRANCISCO
GARDO
HENRY
INDAY
JOSIE
KIYAPO
LUIS
MAYMAY
NENENG
OBET
PILANDOK
QUEENIE
ROSAL
SAMUEL
TOMAS
UMBERTO
VENUS
WALDO
YAYANG
ZENY
AMANG
BETTY
CHEDENG
DODONG
EGAY
FALCON
GORING
HANNA
INENG
JENNY
KABAYAN
LIWAYWAY
MARILYN
NIMFA
ONYOK
PERLA
QUIEL
RAMON
SARAH
TAMARAW
UGONG
VIRING
WENG
YOYOY
ZIGZAG
AGHON
BUTCHOY
CARINA
DINDO
ENTENG
FERDIE
GENER
HELEN
IGME
JULIAN
KRISTINE
LEON
MARCE
NIKA
OFEL
PEPITO
QUERUBIN
ROMINA
SIONY
TONYO
UPANG
VICKY
WARREN
YOYONG
ZOSIMO

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 English, Leo James (1977). "Bagyo, unos, sigwa". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. PAGASA Modifies Public Storm Warning System Naka-arkibo 2015-07-09 sa Wayback Machine.. Websayt ng PAGASA. Binuksan 9 Hunyo 2015.

PanahonMeteorolohiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Panahon at Meteorolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.