iBet uBet web content aggregator. Adding the entire web to your favor.
iBet uBet web content aggregator. Adding the entire web to your favor.



Link to original content: http://tl.wikipedia.org/wiki/Astrolohiya
Astrolohiya - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Astrolohiya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Larawan ng isang astrologo, mula sa isang aklat noong 1531.

Ang astrolohiya[1] ay ang pag-aaral ng mga bituin upang makita at malaman ang maaaring mangyari o magaganap sa hinaharap. Tumutukoy ito sa ilang mga sistema, tradisyon o paniniwala na ang kaalaman ng maliwanag na posisyon ng mga bagay sa kalangitan ay pinanghahawakang makabuluhan sa pag-unawa, pagkahulugan, at pag-ayos ng kaalaman tungkol sa mga gawaing pantao at mga pangyayari sa daigdig. Tinatawag ang nagsasanay sa astrolohiya bilang astrologo[1] (nagiging astrologa kung babae) o, hindi gaanong madalas na ginagamit, astrolohista.

Nagmula ang salitang "astrolohiya" mula sa salitang Griyego na αστρολογία, hinango mula sa άστρον, astron, "bituin" at λόγος, logos, na may iba't ibang kahulugan - pangkalahatang may kaugnayan sa "sistematikong pag-iisip o pananalita". Para sa iba,ang astrolohiya ay makaagham na pag-aaral ng mga bituin,planeta at iba pang buntala upang matukoy ang natatagong lihim ng buhay,kapalaran,at katangian ng tao.

Mga Tradisyon ng Astrolohiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Dalawang Sangay na ginagamit sa iba't ibang tradisyon sa pagbasa ng sodyak

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga Uri ng Makabagong Astrolohiya batay sa Kanluraning Tradisyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Sun Sign Astrology - Eto ang karaniwang nababasa sa mga diyaryo. Eto din ang daan kung saan unang nalalaman ng karaniwang tao ang tungkol sa astrolohiya. Sa aklat ni Henry Weingarten[2], sinabi niya na "karamihan sa mga atake kontra sa astrolohiya ay nakatuon sa Sun Sign Astrology. Sabi ng mga kritiko, pano nga namang magkakaroon ng pare-parehas na araw ang 30 milyong Leo sa Amerika? Hindi kapaniniwala iyon, at sang-ayon ako doon." Dagdag pa niya, "ang arawang horoscope ay babasahing nakakahalina para sa ilan, pero HINDI ito totoong astrolohiya. Lumalabas na inimbento ito ni John Naylor isang Ingles na mamamahayag noong 1920 para makabenta ng diyaryo."
  • Natal Astrology - Sa natal astrology o astrolohiya sa araw ng kapanganakan, dito "itinatayo" o ginagawa ang horoscope ng isang tao sa eksaktong panahong ipinanganak siya. Kailangan dito ang araw, lugar at eksaktong oras ng kapanganakan. Ang bawat isang tao ay may sariling horoscope. Ang horoscope ay "larawan" ng kalangitan kung nasaan ang araw, buwan at mga planeta at kung ano ang relasyon o ang layo ng bawat isa sa kanila. Kahit parehas ng oras ang kapanganakan ng isang tao, pero magkalayo sila ng lugar, ay iba ang kanilang horoscope. Kahit ang kambal na sanggol ay magkaiba ang kanilang horoscope. Ang paliwanag dito ay hindi naman sila sabay ng nailuwal. Mahalaga sa natal astrology ang Ascendant, o kung nasaang signo ng zodiac ang buntalang araw nang ito ay sumikat sa silangan nung araw ng kapanganakan nung tao. Sa Ascendant kasi nalalaman kung anong uri ng maskara ang ipinanghaharap ng tao sa lipunan. Hindi porke't ikaw ay ipinanganak ng Libra ikaw ay purong Libra na. Ang purong Libra ay kakaunti lamang dahil sila yung mga taong ipinanganak sa panahon ng Libra (Setyembre 23 - Oktubre 23) PERO sa oras na ipinanganak sila ay sumikat din ang araw sa konstelasyon ng Libra (mula alas 6 hanggang alas 8 ng umaga). Halimbawa, ang isang bata ay ipinanganak ng ala-dos ng madaling araw nung 12 Oktubre, natural Libra ang kanyang Sign Sign. Pero nung 6 ng umaga sumikat ang araw sa konstelasyon ng Leo, ang ascendant samakatuwid ng bata ay Leo. Makikilala siya ng lipunan sa mga katangian ng Leo, pero sa saloobin niya at tunay niyang pagkatao ay Libra. Sa natal astrology, ipinapakita dito ang potensiyal o maaari niyang gawin sa panahong ibinigay sa kaniya sa mundong ibabaw. Dito malalaman kung anong trabaho ang nararapat sa kanya, dito din malalaman kung anong klaseng mga tao ang madali niyang makasalamuha.
  • Mundane Astrology - ang "mundane" o makamundong astrology ay matatawag ding political astrology. Sa mundane astrology, imbes na eksaktong araw, oras at lugar ng kapanganakan ng isang tao ang pinag-aaralan, dito ang tukoy ng pag-aaral ay ang buong bansa. "Nagtatayo" o gumagawa ang mga astrologers ng horoscope sa eksaktong oras na papasok ang buntalang araw sa mga signong kardinal ng zodiac sa zero degree Aries, zero degree Cancer, zero degree Libra, at zero degree Capricorn. Sa panahong ito, malalaman kung anong kalagayan ng bansa sa mga susunod na tatlo hanggang anim na buwan o sa loob ng isang taon.
  • Electional Astrology - Sa electional astrology, meron ng naisip na plano ang isang kliyente, gaya ng pagpapakasal, pagtatayo ng negosyo, paglilipat ng bahay, paglagda ng kontrata, at ano pang mga mahalagang tungkulin, ang gagagawin ngayon ng astrologo ay mamimili (mag-e-elect) siya ng pinakamaswerteng araw o pinakamainam na araw kung kelan gagawin ang importanteng bagay na yun. Sa kasaysayan, ginagamit ang electional astrology sa larangan ng digmaan. Nakaplano na ng pag-atake ang mga heneral at hari, hahanapin ngayon ng astrologo kung anong araw ang pinakamabisa na paglusob sa kalaban ayon sa sinasabi ng mga buntala sa kalangitan.
  • Horary Astrology - Ito ang pinakalumang sangay ng astrolohiya. Ang horary ay galing sa hora o ibig sabihin ay oras. Kapag may taong sumangguni sa astrologo ng kahit na anong bagay, gaya halimbawa ng mga nawawalang kasangkapan, tao, o anumang nakakaligalig sa kanila, ang gagawin ng astrologo ay magtatayo siya ng horoscope kung kelan niya natanggap at naintindihan ang tanong at magmula doon ay babasahin niya kung ano ang sinasabi ng kalawakan. Minsan may mga simpleng tanong na masasagot lamang ng OO o HINDI, pero ang gagawin ng astrologo ay ipapaliwanag niya ang mga motibo at kalagayan ng tanong at nagtatanong. Sa bansang India, laganap na laganap ang paggamit ng horary astrology. Sa mga Indiyano kilala ang horary astrology bilang Prasna Shastra at pina-praktis ito ng mga astrologo doon sa loob ng maraming milenyo na. Ang pinakakilalang kanluraning Astrologo na gumamit ng horary astrology ay si William Lilly (1602-1681) na tubong Londres, Inglatera. Labing-apat na taon bago mangyari ang Pinakamalaking Sunog sa Londres, ay nahulaan na ito ni William Lilly sa pamamagitan ng paggamit niya ng horary astrology. Taong 1652 nangyari ang sunog at dahil dito, pinagbintangan siya na siya ang nagpasimula ng sunog pero walang ebidensiya na nakuha tungkol dito. Sinampahan siya ng kaso ng Parlemento ng Inglatera pero pinalaya din siya dahil napatunayang inosente siya.
  • Predictive Astrology - iba ang Predictive Astrology sa Electional Astrology at Horary Astrology sa kadahilanang hindi ito namimili (electional) ng mainam na araw sa mga nakaplano ng gagawin, o sumasangguni ng isang partikular na katanungan sa oras na iyon (horary). Ang predictive astrology, ang gamit dito ay ang natal chart o ang tabladura ng kapanganakan ng tao at ang relasyon kung nasan yung mga buntala nung ipinanganak ang tao, sa kung nasaan na yung mga buntala ngayon sa kalangitan at sa kung saan sila hinaharap at darating na mga panahon. Sa mga taga-India ginagamit nila dito ang kanilang sistemang Dasa, pero sa mga nasa tradisyong kanluranin, gumagagmit ang mga astrologo dito ng transits, secondary progressions, solar returns, lunar returns, day for a year, at marami pang progressions para mapag-alaman kung ano ang mga suliraning kakaharapin ng tao. Ang aklat ni Bernadette Brady na may pamagat na The Eagle and the Lark[3] ang isa sa pinakamainam na nagpaliwanag ng Predictive Astrology sa mundo.
  • Medical Astrology o Decumbitures - Kilala din bilang Iatromathematics. Itong sangay ng astrolohiya ay naniniwala na ang katawan ng tao ay may kaugnayan sa mga buntala pati na araw at buwan at sa mga signos ng sodyak. Ang medical astrology ay nabanggit na sa isang tulang epiko na pinamagatang Astronomica noong Unang Siglo ng isang makatang si Marcus Manilius. Ang pinakakilala na gumamit ng medical astrology ay si Nicholas Culpeper (1616-1654). Sinulat niya ang Astrological Judgement of Diseases from the Decumbiture of the Sick ng taong 1655 kung saan nakalagay ang pinakakumprehensibong tala sa paggamit ng medical astrology sa unang bahagi ng makabagong Europa.

Ang mga Planeta bilang Tauhan sa Astrolohiya at ang mga Kahulugan nito

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Bawat planeta ay may ginagampanang papel sa Astrolohiya. Bagamat ang Araw na isang bituin at ang Buwan na isang satellite gayundin ang Pluto na isang dwarf planet ay hindi mga planeta, Isinasama sila at kinukonsidera na may ginagampanang silang papel sa Astrolohiya at pinapalagay na nakakaimpluwensiya ang mga ito sa buhay ng tao. Sa Tagalog, binibigyan sila ng ibang pangalan upang matukoy ang kahulugan ng bawat planeta.

Ang Araw ay nangangahulugang "init" at "liwanag". Ang Buwan bilang "liwanag sa dilim" Ang Mercury bilang "bilis", Venus bilang "pag-ibig o kagandahan", Mars bilang "tapang", Jupiter bilang "kayamanan at kasaganaan",Saturn bilang "paghihintay" Uranus bilang "pagbabago", Neptune bilang "paglalakbay" at Pluto bilang "kalaliman at kadiliman".

Mga Buntalang at Sodyakong nakakaimpluwensiya ng katawan ng tao

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Signo Bahagi ng Katawan
Aries Ulo, Mukha (maliban sa ilong), utak
Taurus Leeg, Lalamunan, glandulang thyroid o (tiroydeo)
Gemini Balikat, braso, kamay, baga, glandulang thymus, mga tubong bronkyal o daanan ng hangin
Cancer Dibdib, tiyan
Leo Puso, gulugod
Virgo Bituka
Libra mga Bato at mga obaryo
Scorpio ilong at labi, pantog, mga aring sekswal, mga adenoid
Sagitarius balakang, mga hita, kalamnan, sciatic nerve
Capricorn mga buto at balat
Aquarius binti at bukong-bukong, pagdaloy ng dugo, kuryente ng katawan, retina ng mata
Pisces Paa, daliri ng paa, glandulang ''lymph'' at glandula sa pawis
  • Financial Astrology - para itong sangay ng electional astrology dahil ang gumagamit nito ay namimili kung kelan ang tamang araw ng pagbili at pagbenta ng mga sapi (stocks) ng mga kompanya. Pinag-aaralan dito ang Siklo (cycles) ng Oras sa kadahilanang ang lahat ng negosyo gaya ng din ng panahon ay dumadaan din sa siklo ng angat-rurok-bagsak-lugmok-bangon. Pinakakilala na gumamit ng Financial Astrology at yumaman dito ay si William Delbert Gann o mas kilala bilang W.D. Gann (1878-1955). Marami siyang mga sinulat tungkol dito at marami siyang mga pamamaraan na nabuo papano kumita ng pera sa pamilihang-sapi (stock market) gamit ang financial astrology.
  • Astrometeorology importante dito ang mga pabago-bagong anyo ng buwan. Dito malalaman kung magiging maulap, maulan, o magkakaroon ng mahabang tagtuyot o kung kelan darating ang bagyo. Ang buwan ang pangunahing nagdadala ng pagtaas o paghibas ng taog (tides). Ang astronomong at astrologong si Tycho Brahe ang nagpasimuno sa paggamit ng mga buntala sa kalangitan lalo na ang buwan sa paghula ng mga kalagayan ng panahon. Si Johannes Kepler isa din sa mga pinakakilalang sayantepiko, ang gumamit ng mga buntala para magawa ng mga prediksiyon (hula) tungkol sa kalagayan ng panahon.[4] Sa una niyang ginawang almanake hinulaan niya ang isang na mabangis na taglamig at ang pag-atake ng mga Turks sa kanilang lugar. Nung magkatotoo ito, nakilala bilang isang propeta si Kepler.

Mga Gumagabay na mga Buntala sa mga Signos

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Bawat signo ay may katumbas na planeta upang matukoy ang natatagong kapalaran ng tao,kaugalian at katangian ng tao na iniuugnay sa planeta.

Signo Makalumang Buntalang Gabay Makabagong Buntalang Gabay
Aries Mars Mars
Taurus Venus Venus
Gemini Mercury Mercury
Cancer Buwan Buwan
Leo Araw Araw
Virgo Mercury Mercury
Libra Venus Venus
Scorpio Mars Pluto
Sagitarius Jupiter Jupiter
Capricorn Saturn Saturn
Aquarius Saturn Uranus
Pisces Jupiter Neptune

Kaugnayan sa numerolohiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Hindi lamang mga zodiako ang may katumbas na planeta, kahit ang mga numero at petsa ng kaarawan may katapat ding planeta. Sa pamamagitan nito, nalalaman kung ano ang buntala o planetang gumagabay sa bawat tao. Halimbawa, ang mga taong ipinanganak sa petsang 9, 18 at 27 anuman ang kanilang sodyako ay ginagabayan ng buntalang si Marte o Mars at may tendensiyang mapalapit sa mga taong isinilang sa mga nasa sodyakong Aries at Scorpio sapagkat pareho silang ginagabayan ng nasabing planeta.


Numero o petsa ng Kaarawan Katapat na Zodiako Planetang o buntalang naghahari
1,10,19 at 28 Leo Araw
2,11,20 at 29 Cancer Buwan
3,12,21 at 30 Sagitarius Jupiter
4,13,22 at 31 Aquarius Uranus
5,14 at 23 Gemini at Virgo Mercury
6,15 at 24 Taurus at Libra Venus
7,16 at 25 Pisces Neptune
8,17 at 26 Capricorn Saturn
9,18 at 27 Aries at Scorpio Mars

Mga elemento at kalidad na taglay ng mga signos

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nahahati ang mga Signo sa apat na elemento at tatlong kalidad.

Signo Elemento Kalidad
Aries Apoy Panguna
Taurus Lupa Karaniwan
Gemini Hangin Nagbabago
Cancer Tubig Panguna
Leo Apoy Karaniwan
Virgo Lupa Nagbabago
Libra Hangin Panguna
Scorpio Tubig Karaniwan
Sagitarius Apoy Nagbabago
Capricorn Lupa Panguna
Aquarius Hangin Karaniwan
Pisces Tubig Nagbabago

Teorya ng Kompatibilidad sa Astrolohiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

May iba't ibang teorya ng Kompatibilidad na ginagamit sa Astrolohiya.

Ang Kanluranin o Western,Nakabatay ito sa kasabihang "same feather flock together" sa pamamagitan nito, anumang sodyakong may magkaparehong elemento ay magkakatugma dahil sa pagkakapareho ng ugali at hilig. Halimbawa nito ay ang mga magkaparehong elemento tulad ng Aries, Leo at Sagittarius na parehong taglay ang elementong apoy, ang Taurus,Virgo at Capricorn na nagtataglay ng elementong lupa, ang Gemini, Libra at Aquarius na May elementong hangin at ang Cancer, Scorpio at Pisces na May elementong tubig.

Ang Eastern o Oriental Astrology naman ay nakabatay sa batas ng magnetismo na "opposite poles attract" o sinumang kabaligtaran ng bawat sodyako sa gulong ay siya ang katugma o kaswatong kasama o sa madaling sabi ay pupunuan ng mga magkakasalungat na elemento ang kakulangan ng isang elemento. Halimbawa nito ay ang Aries at Libra, Taurus at Scorpio, Gemini at Sagittarius, Cancer at Capricorn, Leo at Aquarius at Virgo at Pisces. Sa madaling sabi, ang mga elementong apoy ay kasalungat ng elementong hangin at Ang mga elementong lupa ay kasalungat ng elementong tubig na nangangahulugang "kayang patayin o palakasin ng hangin ang apoy" at "kayang diligan ng tubig ang lupa upang maging mataba". Sa paglalarawan para itong pagsasama ng isang taong mapride at isang taong mapagpakumbaba.

Ang Depth Astrology o Malalimang pag-aanalisa ng Astrolohiya ay ang paggamit ng planeta upang matukoy ang kasuwato. Halimbawa nito ay ang Aries at Scorpio na parehong ginagabayan ng Mars, Taurus at Libra na parehong ginagabayan ng planetang Venus, ang Gemini at Virgo na parehong ginagabayan ng planetang Mercury, ang Sagittarius at Pisces na parehong ginagabayan ng planetang Jupiter at ang Capricorn at Aquarius na parehong ginagabayan ng planetang Saturn. Sa pamamagitan nito, dahil sa iisang planeta ang gumagabay sa kanila nagtutugma sila dahil pareho sila ng katangian at kapalaran.

ang Astro-Numerology naman bagamat hindi masasabing isang teorya na ginagamit sa Astrolohiya ngunit nakapaloob dito na magiging malapit ang bawat nilalang na may magkaparehong planeta. Isang halimbawa nito ay ang mga isinilang sa petsang 9, 18 at 27, anuman ang kanilang sodyako ay posibleng mapalapit sa mga isinilang sa sodyakong Aries o/at Scorpio sapagkat iisa ang kanilang gabay na planeta at yun ay ang buntalang Marte o Mars.

  • Apoy - enerhiya, aktibo, lakas, galaw, bugso
  • Lupa - katawan, praktikal, nakatapak ang paa sa lupa,
  • Hangin - ang isip, intelektwal, mga ideya, haka-haka
  • Tubig - ang mga emosyon, mapanlikha, mapag-aruga, mapag-isa

Kaugnayan sa astronomiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pinaniniwalaan ng sinaunang mga astrologo ang galaw ng araw, buwan, at mga planeta sa kalangitan. Binubuo ang mga unang astrologo ng mga pinunong-pari, na naniniwalang makapagsasabi ng mga maaaring maganap sa hinaharap ng mundo ang mga kilos ng araw, buwan, at mga planeta. Bagaman mali, sinasamba ng mga mamamayan ang mga bituin at mga planeta bilang mga diyos, na nagbunga sa maingat na pag-aaral ng kalangitan at kalawakan. Gumamit ang mga astrologo ng mga tablang pang-astronomiya kaya't nahuhulaan nila kung kailan magaganap ang mga eklipse o paglalaho o paglamlam ng liwanag. Isang bagay ito kung bakit naging mahahalagang kasapi ng pamayanan ang mga astrologo, na nagaangkin din na mayroong silang kapangyarihang masalamangka. Naniniwala rin noon na masamang hudyat ang pagharang ng buwan sa liwanag ng araw, at ang paglagak ng daigdig sa pagitan ng araw at ng buwan. Dahil sa mga sinaunang astrologo, natutunan ng mga tao ang mga tunay na mapaggagamitan ng astronomiya.[5]

  1. 1.0 1.1 English, Leo James (1977). "Astrolohiya, astrolohia, astrology, astrologo, astrologer". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Weingarten, Henry, Investing by the Stars: Using Astrology in the Financial Markets, McGraw-Hill, 1996, 234pp, ISBN 0-07-068999-7
  3. Brady, Bernadette, Predictive Astrology:The Eagle and the Lark, Weiser Books, 1998, 384 pages,ISBN 1578631122
  4. http://skyscript.co.uk/kepler.html
  5. "Origins of Astronomy, History of Astronomy". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)