iBet uBet web content aggregator. Adding the entire web to your favor.
iBet uBet web content aggregator. Adding the entire web to your favor.



Link to original content: http://tl.wikipedia.org/wiki/Amenemnisu
Amenemnisu - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Amenemnisu

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Si Neferkare Amenemnisu ang paraon ng Ikadalawampu't isang Dinastiya ng Ehipto. Ang pag-iral ni Amenemnisu ay tanging nakumpirma noong 1940 nang ang libingan ng kanyang kahalili na si Psusennes I ay natuklasan ni Pierre Montet. Ang isang ginintuang bow cap na sinulatan ng parehong pangalang hari ni Amenemnisu na Neferkare at ang kanyang kahaliling si Psusennes I ay natuklasan sa libingan ni Psusennes I.[1] Sa nakaraan, ang kanyang pag-iral ay pinagdudahan dahil walang mga bagay na nagpapangalan sa kanya ay natuklasan. Gayunpaman, ang ala-ala ng kanyang maikling paghahari bilang ikalawang paraon ng ika-21 dinastiya ay naingatan ng Epitome ni Manetho bilang haring Nephercheres na tinakdaan ng maikling paghaharing 4 na taon. Ang pangalan ni Amenemnisu ay nangangahulugang "Si Amun ay Hari".[2] Bagaman ang kanyang paghahari ay nakakubli, ang Dakilang Saserdote ni Amun sa Thebes, Ehipto sa panahong ng kanyang paghahari na si Menkheperre ay alam na nagpatawad ng ilang mga pinuno ng isang paghihimagsik laban sa autoridad ng Dakilang Saserdote.[3] Ang mga rebeldeng ito ay nakaraang ipinatapon sa Kanluraning Oasis ng Ehipto sa Taong 25 ni Smendes.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. K.A. Kitchen, The Third Intermediate Period in Egypt (c. 1100-650 BC), Warminster, 3rd ed. 1996. p. 261
  2. Peter Clayton, Chronicle of the Pharaohs, Thames & Hudson Ltd., 1994. p. 178
  3. K.A. Kitchen, 1996, p. 261