iBet uBet web content aggregator. Adding the entire web to your favor.
iBet uBet web content aggregator. Adding the entire web to your favor.



Link to original content: http://tl.m.wikipedia.org/wiki/Tratadong_Letran
Tratadong Letran - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Tratadong Letran (Italyano: Patti Lateranensi; Latin: Pacta Lateranensia) ay isang bahagi ng Mga Kasunduang Letran ng 1929, mga kasunduan sa pagitan ng Kaharian ng Italya sa ilalim ni Benito Mussolini at ng Banal na Luklukan sa ilalim ni Papa Pio XI upang ayusin ang matagal nang Suliraning Romano. Ang tratado at kaakibat na mga kasunduan ay pinangalanan pagkatapos ng Palasyo Letran kung saan nilagdaan ang mga ito noong 11 Pebrero 1929, at pinagtibay sila ng parlamento ng Italya noong Hunyo 7, 1929. Kinikilala ng kasunduan ang Lungsod ng Vaticano bilang isang malayang estado ilalim ng soberanya ng Banal na Luklukan. Sumang-ayon din ang gobyerno ng Italya na bigyan ang Simbahang Katolika Romana ng bayad-pinsala sa pagkawala ng mga Estado ng Simbahan.[1] Noong 1947, ang Tratadong Letran ay kumilala sa Saligang Batas ng Italya[2] bilang kumokontrol sa mga ugnayan sa pagitan ng estado at ng Simbahang Katolika.

Tratadong Letran
Mga delegado ng Vaticano at Italya bago ang pirmahan ng tratado
UriBilateral na kasunduan
KontekstoPagkakatatag ng papal na estado sa tangwat Apenino
Nilagdaan11 Pebrero 1929 (1929-02-11)
LokasyonRoma, Italya
Nagkabisà7 Hunyo 1929
KundisyonPagpapatibay ng Kaharian ng Italya at Lungsod ng Vaticano
Nagsilagda
WikaItalyano

Mga sanggunian

baguhin
  1. A History of Western Society (ika-Tenth (na) edisyon). Bedford/St. Martin's. 2010. p. 900.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Constitution of Italy, article 7.
baguhin