Bana ng Taipei
Ang Bana ng Taipei (Tsino: 台北盆地; pinyin: Táiběi Péndì) ay heograpikong pook sa hilagang Taiwan. Ito ang ikalawang pinakamalaking bana sa Taiwan. Pinalilibutan ito ng Yangmingshan sa hilaga, bakulod ng Linkou sa kanluran, at gulod ng Xueshan sa timog-silangan. Gatatsulok ang hugis ng bana. Ang mga pangunahing ilog dito ay ang Ilog Tamsui, Ilog Keelung, Ilog Dahan at Ilog Xindian.
Noong sinaunang panahon, nanirahan sa bana ng Taipei ang tribong Ketagalan. Nagsidatingan lang at nanirahan sa rehiyon ang mga Han noon nang ika-18 siglo. Ngayon, napapaloob sa mga hangganan ng mga lungsod ng Taipei at New Taipei ang bana, at siyang pinakamalaking kalakhang lugar sa Taiwan.