iBet uBet web content aggregator. Adding the entire web to your favor.
iBet uBet web content aggregator. Adding the entire web to your favor.



Link to original content: http://lyricstranslate.com/es/moana-2-ost-anong-daratnan-end-credi-lyrics
Moana 2 (OST) - Letra de Anong Daratnan (End Credit Version) [Beyond (End Credit Version)] (Tagalog/Filipino)
  • Moana 2 (OST)

    Anong Daratnan (End Credit Version) [Beyond (End Credit Version)] (Tagalog/Filipino)

Compartir
Font Size
Filipino/Tagalog
Filipino/Tagalog

Letra de Anong Daratnan (End Credit Version) [Beyond (End Credit Version)] (Tagalog/Filipino)

Mga tala lahat kilala
Ngunit may naririnig
Mga ulap, bago ang tinig
Alam ang dapat na tahakin
'Di 'to tulad lang noon
Hangin at alon nilalayo ako
 
S'an hahatid? Kung nais ilayo
Sa nagisnan kinalakhan ng puso ko
 
'Nong daratnan? Kung hanggana'y lampasan
Sa ibang kalangitan 'di ba maliligaw?
Anong daratnan? Pag iniwan ang mahal
Aming lahi, aming bukas 'di alam
Anong daratnan?
 
May tadhanang nanunubok
Simula pa lamang 'to
Handa bang isugal pinaghirapan ko?
 
Tinatawag at susundan
Kung aalis, paalam ba'y walang hanggan?
 
'Nong daratnan? Sa ibang karagatan?
'Pag tahana'y nalayo maiiba'ng daan?
Ano bang daratnan? Pag iniwan ang mahal
Aming lahi, aming bukas 'di alam
Anong daratnan?
 
Kapag iniwan siyang bigla
Maintindihan kaya?
 
May daratnan, 'di alam kung kailan
Babalik dahil alam aking pinagmulan
Ako si Moana! Lupa at karagatan
Sa sarili, ay tapat, sumpa ko man
Hahayo, lalayo, nang puso
May madatnan
 

 

Comentarios