Japchae
Lugar | Korea |
---|---|
Kaugnay na lutuin | Lutuing Koreano |
Ihain nang | 50–65 °C (122–149 °F) |
Pangunahing Sangkap | Sotanghon |
|
Japchae | |
Hangul | 잡채 |
---|---|
Hanja | 雜菜 |
Binagong Romanisasyon | japchae |
McCune–Reischauer | chapch'ae |
Ang japchae (잡채; 雜菜) ay isang matamis at malinamnam na ulam ng sotanghon at gulay na sikat sa lutuing Koreano.[1] Karaniwang inihahanda ang japchae na may dangmyeon (당면, 唐麵), isang uri ng sotanghon na gawa sa gawgaw na kamote; tinatabunan ng mga iba't ibang gulay, karne, at kabute, at tinitimplahan ng toyo at langis ng linga.[2][3][4][5]
Isang maharlikang ulam dati, ito ay isa sa mga pinakasikat na kinaugaliang ulam pandiriwang ngayon, kadalasang inihahain sa mga epesyal na okasyon, tulad ng mga kasal, kaarawan (lalo na sa dol, ang unang kaarawan, at hwangap, ang ikaanimnapung kaarawan), at pista.[6][5][7] Sikat din ito na inihahain sa mga pulutong sa mga bankete, salu-salo, at kainan, dahil sa dali ng paghahanda ng marami at dali ng pakikibagay ng paghahain: maaaring ihain ang japchae nang maligamgam, katamtamang temperatura, o malamig mula sa palamigan, at maaaring kainin habang sariwa o sa susunod na araw.[3][4]
Karaniwang inihahain ang japchae bilang banchan (pamutat), ngunit maaari ring maging pangunahing ulam. Madalas ito inihahain sa ibabaw ng kanin: kasama ng bigas ito ay kilala bilang japchae-bap (잡채밥).
Etimolohiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang salitang Sino-Koreano, japchae (잡채; 雜菜), ay binubuo ng dalawang pantig, jap (잡; 雜), na ibig sabihin na "halung-halo" at chae (채; 菜), na ibig sabihin na "gulay".[6][8][7]
Ayon sa Joseon Wangjo Sillok, dating tumutukoy ang pangalan sa ulam ng ginisang gulay at kabute, unang ginawa sa unang bahagi ng ika-17 siglo ni Yi Chung (1568‒1619) para bankete sa palasyo ni Haring Gwanghaegun.[6][7] Sobrang nagustuhan ng hari ang ulam na ginantimpalaan niya si Yi sa pagtataas sa kanya sa isang posisyong mataas na ranggo, katumbas ng posisyon ng kalihim ng Tesorerya, at naging karaniwang bahagi ng lutuing Koreano sa maharlikang korte.[6] Niluluto nang walang pansit o karne noong araw, itinuring ang japchae bilang marangya at eleganteng ulam na inihahain sa maharlikang pamilya at mga opisyal na may mataas na ranggo.[8] Kabilang sa mga gulay na ginamit noong panahong iyon ang pipino, labanos, at kabuteng shiitake.[8]
Tulad ng mga ibang maharlikang ulam, kalaunang naging bahagi ang japchae sa lutuin ng karaniwang tao. Sumikat ito noong huling bahagi ng ika-20 siglo noong ipinakilala sa Korea ang sotanghon na gawa sa gawgaw na kamote mula sa Tsina.[6][8] Mula noon, ang pansit ay naging mahalagang at pangunahing sangkap ng japchae. Dinagdagan ang ulam na pansit ng mga baka at ibang karne, habang humantong ang mga eksperimento at pag-aangkop sa mga uring walang pansit na gawa sa pagkaing-dagat, halamang-gamot, sili, toge, at mga iba pang sangkap.[6]
Mga sangkap at paghahanda
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga dangmyeon ay maputlang abuhing kulay, bahagyang naaaninag, mangunguyang at nababanat na pansit na gawa sa gawgaw na kamote.[2][3] Kilala ang mga ito bilang pansit sotanghon.[2][3] Maaaring ibabad ang mga pansit sa tubig bago lutuin.[9] Maaaring iba-iba ang mga sari-saring gulay sa japchae. Kabilang sa mga karaniwang sangkap ang asanorya, espinaka, sibuyas, at iskalyon.[4] Kabilang sa mga karaniwang ginagamit na kabute ang taingan-daga, shiitake, at pleurotus ostreatus. Karaniwang ginagamit ang karneng baka at baboy para sa japchae.[4][6] Ginigisa nang hiwalay ang bawat sangkap bago hinahalo sa pansit na pinasingaw at pinatulo, at tinitimplahan ng toyo, asukal, at langis ng linga.[2] Kadalasang pinapalamutian ang ulam ng tostadong linga at sil-gochu (hibla na sili), at inihahain nang mainit o malamig.[9]
Mga uri
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga ulam sa maharlikang korte
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Gyeoja-chae (겨자채)
- Jokchae (족채) – gawa sa ginutay-gutay na jokpyeon (halayang troton) at gulay
- Tangpyeong-chae (탕평채) – gawa sa nokdu-muk (halayang monggo), baka, toge, oenanthe javanica, at artemisia vulgaris
- Wolgwa-chae (월과채) – gawa sa wolgwa (oriental pickling melon), baka, at gulay
- Juksoon-chae (죽순채) - gawa sa labong at gulay
Mga ibang ulam
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Gochu-japchae (고추잡채) – gawa sa ginutay-gutay na berdeng sili at gulay
- Buchu-japchae (부추잡채) – gawa sa allium tuberosum
- Kongnamul-japchae (콩나물잡채) – gawa sa usbong-balatong
- Haemul-japchae (해물잡채) – gawa sa pagkaing-dagat at gulay
- Beoseot-japchae (버섯잡채) – gawa sa kabute
- Gungjung-japchae (궁중잡채) - gawa sa de-kalidad na sangkap at maharlikang gulay
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ National Institute of Korean Language (30 Hulyo 2014). "주요 한식명(200개) 로마자 표기 및 번역(영, 중, 일) 표준안" (PDF) (sa wikang Koreano). Nakuha noong 22 Agosto 2017.
{{cite web}}
: Unknown parameter|laysource=
ignored (tulong); Unknown parameter|layurl=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 Booth, Susanna (4 Abril 2014). "Gluten-free, soya-free and sesame-free Korean japchae stir-fry". The Guardian. Nakuha noong 22 Agosto 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 3.2 3.3 Tanumihardja, Patricia (25 Pebrero 2015). "Korean stir-fried glass noodles, 'japchae'". The Christian Science Monitor. Nakuha noong 22 Agosto 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 4.2 4.3 Kim, Violet (13 Hulyo 2017). "Best Korean dishes: 40 foods we can't live without". CNN Travel. Nakuha noong 22 Agosto 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 5.0 5.1 Oliver, Jamie (31 Mayo 2014). "Jamie Oliver's recipes for World Cup watching". The Guardian. Nakuha noong 22 Agosto 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 6.0 6.1 6.2 6.3 6.4 6.5 6.6 Yeon, Dana (23 Setyembre 2010). "Versatile Japchae, a Dish for Special Occasions". The Chosun Ilbo. Nakuha noong 22 Agosto 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 7.0 7.1 7.2 Korea Tourism Organization. "Exploring Korea's true flavor". Stripes Korea. Blg. 30 March 2017. Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Marso 2017. Nakuha noong 22 Agosto 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 8.0 8.1 8.2 8.3 Lee, Eun-joo (3 Pebrero 2010). "Japchae: A royal Korean tradition, but kings of old held the noodles". Korea JoongAng Daily. Nakuha noong 22 Agosto 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 9.0 9.1 Barnaby, Karen (24 Nobyembre 2015). "Karen Barnaby: Non-wheat noodling". The Vancouver Sun. Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Agosto 2017. Nakuha noong 22 Agosto 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)